#28 – English vs Native Language

Right click here to download the mp3

Hey mga katropa, kumusta kayo? This is Kuya Mighty. Magkakasama na naman tayo in the next 30 minutes para pagusapan ang tungkol sa buhay natin bilang mga kabataang Pinoy. And how are you right now? Binabagyo ba kayo mga katropa? Or inuulan, idinuduyan ng hangin. Nararamdaman ba ninyo ang very nice and BED weather ngayon?

Yun di ba? Instead na sabihing bad weather, sinasabi natin ito ay isang bed weather. Kasi sobrang sarap matulog, magkumot. Minsan, yung iba, naglalagay pa ng electric fan kahit maginaw na ano.

I’m really hoping na yung mga properties ninyo. Yung mga tanim ninyo and your families eh maging safe sa paghawak ng ating Panginoon. Dalangin ko na mailayo kayo sa panganib ano?

For this episode, pag-uusapan natin ang tungkol pa rin sa ating wika. Dahil nga naman diba, ang August ay Buwan ng Wika. Isu ngarud, agsaotayo met iti Ilocano sagpaminsan gagayyem. Sa mga hindi po nakakaintindi ng Ilocano ano, ang sinabi ko ay: “Magsalita naman tayo ng Ilocano paminsan-minsan, mga kaibigan.” At ito nga ang pag-uusapan natin ngayon, mainit na mainit sa social media, at even sa ating media ngayon ang tungkol sa issue ng tatlong estudyante sa Laoag na umano’y pinatalsik dahil sa kanilang pagsasalita ng Ilocano sa isang school, yung Savior’s Christian Academy, na pag-aari ng President nito na si Rev. Brian Shah. Siya ang may-ari nung Savior’s Christian Academy.

Ayun na nga, parang ang nangyari dito, supposedly, yung tatlong kabataan, they’re just 13 years old, mga teenagers pa lang to. Pero dahil daw sa repeated offense nila sa pagsasalita sa Ilocano, meron nga daw silang “English only” policy, doon sa kanilang school. Dahil lagi-lagi daw silang nagsasalita ng Ilocano, eh napilitan itong si Rev. Shah na patalsikin ang mga tatlong estudyanteng ito.

Andami-dami na nating narinig sa media, andami-dami na nating nabasa tungkol sa isyung ito. May nagsabing ipa-deport daw itong si Rev. Shah na hayaan daw yung mga bata na magsalita sa Ilocano dahil nga nasa Pilipinas tayo. Ngayon, for this episode, iisa-isahin natin yung ilan sa mga arguments about, say, speaking in English, at yung pagsasalita naman sa Ilocano or yung sa ating sariling wika for that matter.

Music Playing: Tuwing Umuulan at Kapiling Ka by Eraserheads

At ayan mga katropa, sa gitna ng mga ulan at mga bagyong nararanasan natin eh pag-uusapan naman natin ang napapanahong issue ng language o ng ating wika.

Pero before we start talking about language, itself, ano. Pag-uusapan muna natin. Let’s just be clear, ang Pilipinas ay mayroong 175 languages. Take not ha, languages yan, hindi yan dialect. Magkaiba yung language sa dialect. Pag sinabi mong language, ito ay isang distinct na wika na pananalita, like, sa ating bansa, ang Filipino ay ang ating National Language. At ito ay hango mainly from the Tagalog language. Ang isa pang example ng language ay ang Ilocano, or technically Iloco. Ito naman ay language ng karamihan sa atin na taga-Norte. Huwag na huwag ninyong sasabihin na ang Ilocano ay dialect! Magagalit sa inyo ang mga kaibigan nating taga-Bannawag.

By the way, binabati ko po yung mga editors ng Bannawag, si ninong Cles Rambaud, si Manong Johnny Asuncion, at si Manong Ariel Tabag. They’re doing a good job in helping sustain the Ilocano literature and culture at kaya nga siguro ano, marami tayong mga kababayan diyan na nagbabasa ng Bannawag. And if you have time ano, we have a spiritual section sa Bannawag, yung Siled ti Kararag, which is a ministry naman ng Discipleship Resources Philippines—ang isa sa mga ministries na nakapaloob sa United Methodist Church dito sa Philippines.

Speaking of which, binabati ko rin po si Earlie Pasion, si Jong Bautista at ang kanilang anak na si Ethan Peter… I hope that Ethan is growing well—humahaba, tumataba at nananatiling malusog.

So ayun, like I was saying, huwag na huwag ninyong tatawaging dialect ang Ilocano, and the other languages dito sa ating bansa, some of the major-major languages ay ang Cebuano, Chabacano ng mga taga-Zamboanga, Waray, and Bicolano. Those are languages, those are not dialects.

Now, pag sinabi mo namang dialect, ito ay variant ng isang language. So kung halimbawa na, may Ilocano ng mga taga-Ilocos, at mase-separate mo yan sa Ilocano ng mga taga-Isabela or Ilocano ng mga taga-Mindanao. So, yun na yung mga dialects. Makikita mo yung pinagkaiba ano? For example, diyan sa may… di ko na sigurado kung saan ano… ang tawag nila sa gunting ay “getteng.” Meron naman ding parts na gumagamit ng Ilocano language na ang tawag sa gunting ay “kartib”. Sometimes, it’s the choice of words, the intonation, and also yung variations ng language—yun yung masasabi nating dialect.

And so, ito, pag-uusapan natin mga katropa, mahalaga pa bang magsalita tayo ng ating sariling language. Hello diba? We are already in a very globalized world. Ang sabi ni Marshall McLuhan, we are living in the global village. Ano ba ang language ng global village na ito? Is it Spanish? Is it Ilocano? Is it Thai? No, it’s English!

Ingles—yan ang pananalitang ginagamit all over the world. O kaya, tingnan mo, pag nagpupunta ka sa Internet, karamihan sa mga websites ay nasa English.  Karamihan sa mga textbooks sa ibat’ ibang professions ay nasa English, diba? Now, if we have visitors coming from other countries—sa Europe, Indonesia, United States…ano ang pananalita nila para magkaintindihan tayo?

Di ba English?

Kung manonood ka ng Cable TV sa news television, anong language ang ginagamit? CNN, BBC, diba English?

And so, let’s just make our first point for this episode.

Mga tropa, mahalaga pa ring matutunan natin ang pananalita sa wikang English. Kasi, well… three reasons lang naman yan.

English is the global language. Dahil iyan ang global language, we Filipinos are able to speak it really well. Tingnan mo naman diba? Karamihan  daw sa mga naninilbihan sa mga cruise ships all over the world ay mga Filipino. O, yung mga seaman at sea-women—they are really good English speakers. And that’s one of our advantages as Filipinos. Kaya tingnan niyo yung mga pictures ng mga kakilala ninyong nagtatrabaho sa barko—di ba, mayat’ maya, nilalagay nila kung nasaan sila.

Meron kaming isang church member dyan sa may banda ng Bataan na si Kuya Charlie, lagi pinopost niya sa Facebook yung kung nasaan na yung kanyang anak. Like today, ipopost niya yung mga pictures ng anak niya sa Portugal, sa Lisbon. And then, a couple of days after, ipopost naman niya yung pictures ng anak niya na nasa Belgium. O kaya nasa Egypt. So kung nasaan yung barko, at kung ano yung pwedeng dalawin ng mga seafarers natin, they just go there.

Bawat Filipino, kadalasan,  kapag nasa ibang bansa na madaling makipag-usap yan sa mga foreigners kasi we know how to speak English. Hindi lang iyan, nabanggit natin sa previous episodes, we have so many call centers kasi we are really good speakers of the English language. And thankfully, nagagamit natin yan para magkaroon ng maraming opportunities ang mga graduates dito sa ating bansa.

Tayo, bilang mga Filipino ang pinaka-scattered na bansa sa buong mundo. We are present in more than 200 countries. And that’s what helps us survive kahit saan man tayo mapunta. It’s our capability, it’s our humility to communicate using the English language. At ito pa, if you are able to speak English, at ito yung pangatlong reason natin, it helps us learn so many things about our world.

If we are able to learn those subjects dahil na rin sa ability natin with the English language, isipin nyo na we can enrich our lives and help other people. Pero, hindi naman ibig sabihin na dahil English ang global language, kakalimutan na natin an gating sariling wika.

No, no, no. Hindi yun dapat mga katropa.

Yung isa sa mga kaibigan ko—si Ian, isa siyang Cebuano. While he was growing up, nasanay siya na nagsasalita sa English. Isipin nyo yun, medyo cute eh diba? 3 years old 4 years old, nagsasalita na ng English. Parang “ang tali-talino” ano? O kaya parang “Ay, sosyal!” Pero here’s the thing, dahil nag-eenglish siya, hindi siya makapaglaro with other kids. Ba naman, kung yung iba mong mga kaibigan, kapitbahay, nagsasalita      sa Cebuano, tapos ikaw English, magkakaintindihan ba kayo? Malamang hindi diba? Kaya nga ba si Ian, lumaki siya na medyo anti-social.

Mahiyain nang kaunti. Minsan, nabu-bully nga daw siya kasi hindi siya nagsasalita sa wikang Cebuano. Kung diyan sa inyo, nakakakita kayo ng mga bata among a group of Ilocanos ano, tapos may isang bata na nagsasalita ng English, parang weird kasi hindi sila magkakaintindihan. Paano sila maglalaro together?

So, ito yung ilan naman sa mga reasons kung bakit dapat patuloy tayong magsalita sa ating sariling wika—Ilocano at Filipino.

One reason is, our own language connects us to our roots.

While growing up, isa sa mga sobrang tine-treasure kong experience at pakikipag-usap ay yun sa aking lola. Si Lola Itang na namaalam na noong 2008. Natutuwa ako kasi every time na nag-uusap kami ni inang dati, kinukwento niya mga experiences niya while growing. Yung panahon ng Hapon, kinukwento niya sa akin. And also, ibinabahagi niya sa akin yung mga facets, mga features ng ating kultura.

Pansinin niyo yung mga times na yun—yung mga matatanda na inabutan yung occupation ng mga Americans, mga 1940s-1950s ano, marami pa rin sa kanila yung napakahusay mag-english. Si inang nga dati, mas mahusay pang mag-English kaysa mag-Tagalog eh. Kahit mga Bisaya, ganyan din, mas magaling sila mag-English kesa mag-Filipino.

Speaking our own language, connects us to our roots, kasi nga para hindi natin makalimutan kung saan tayo galing, kung ano yung lipunang ginagalawan natin—we really need to be in touch with our language. Kasi that’s what defines us eh, diba?

Pangalawa, it helps us communicate with our friends, relatives and other people around us.

I think ang isang nagiging problema nga lang sa ating panahon ngayon dahil na rin siguro sa media, dahil na rin sa influence ng Internet at influence ng mga TV shows na nagtatarget sa mga kabataan natin. More and more young people are speaking Filipino at kinakalimutan na nila ang kanilang own language. Alam nyo mga tropa, nagaganap din ito sa banda ng Cordillera eh. Kasi nga, parang kung sa schools, o kaya dito sa Metro Manila area, at major cities and towns sa banda ng Norte, karamihan ng sinalita eh Tagalog. Sa banda ng Baguio at Cordillera, napakaraming Ilocano diyan. At madalas din na nagaganap yung mga katutubo na, halimbawa, Ifugao or Igorot, minsan nakakalimutan din nila yung kanilang sariling lenguahe in favor of Ilocano. So yung mga Kankana-ey, at ibang mga language groups, nakakalimutan nila na pagyamanin yung sariling language.

I hope, huwag dumating yung time na maging extinct itong ating mga languages. Of course, we have a national language,which is Filipino, based on Tagalog. It helps us communicate with people na taga-Mindanao, taga Visayas, taga-Bicol, so even if hindi tayo pare-pareho ng language, we have a common language that can help us communicate with each other.

Kumbaga, kung kapwa Pilipino yung kausap mo, eh di mag-Filipino ka! Pero kung foreigner yung kausap mo, that’s the time we speak English.

So, natutuwa din ako, on that note, yung ating Department of Education ay ineemplement na yung Mother Language Education. It’s very important for young kids na marealize yung importance ng sarili nating language, before learning to speak in English. Halimbawa na, yung pamangkin ko na si Chelsea, nag—aral diyan sa San Manuel Central School sa Isabela, meron na siyang subject na Ilocano. Sometimes, parang hindi yata tama yung ibang nasa textbook no? But language is very dynamic and it keeps evolving.

Kaya nga natutuwa ako pag nag-uusap kami sa Ilocano, nakikita ko na medyo tumatama na siya sa orthography, pronunciation, at stuff like that. Natutuwa ako, kasi eventually, yung mga sinusulat kong poetry at short stories sa Ilocano eh mababasa na ng pamangkin ko.

Music Playing: Hallelujah – Awit Kay Yahweh compilation

So kayo mga katropa, here’s my challenge for you for the rest of the month, Eh kung aralin nyo kaya yung language na nandiyan sa paligid nyo. If you’re in the Visayas region, nakikinig ka sa ating programa at hindi ka marunong mag-Bisaya, eh di try learning it diba?

O kung nandiyan ka sa banda ng Santiago City, Tagalog lang ang alam mo at English, eh mag-aral ka kayang mag-Ilocano?

So that’s my challenge to you mga katropa. For that challenge, puntahan ninyo ang aming Facebook page at sabihin nyo, ikwento niyo ang naging experiences niyo.

Kung namiss ninyo ang iba nating mga episodes, puntahan lang ninyo ang PinoyYouth.org/GenerationY

Naku, gustung gusto kong marinig ang mga kwento nyo. Huwag po kayong mag-aatubili na makipag-connect sa akin, hindi po ako nangangain ng tao by the way. So just connect, I’m almost always online.
If you need any resources on young people, gusto nyong may mapagkunan ng resources on young people.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*