#27 – Amerikanong Brown?

Right click here to download Episode #27

If you are using iPhone, iPad, iPod or other Apple products, please click here to Subscribe. iTunes will download the episodes automatically!

Kumusta kayo mga katropa? Ito na naman si Kuya Mighty at makakasama ninyo sa isa na namang episode ng Generation Y Chronicles. And for the next 30 minutes magkukwentuhan tayo, pag-uusapan natin ang ilang mga bagay na nakakaapekto sa buhay natin bilang mga kabataan.

And since this is August, ayan mga tropa, do you remember anything special about August? Naku naman! Kung hindi ninyo naaalala yan, eto na, ako na magpapaalala sa inyo. Ang August ay ang ating Buwan ng Wika. At kaya nga sa episode na ito, ang pag-uusapan natin ay tungkol sa ating pagiging Amerikanong Brown. Iyan daw kasi ang tawag sa atin ng ilan sa mga kapitbahay natin dito sa Southeast Asia sa ating mga Pilipino. And this will kick off our series for the whole month. Pag-uusapan natin in upcoming episodes sa buwan na ito ang tungkol sa ating wika at kung paano natin ito ginagamit bilang mga Filipino at bilang mga kabataang Pinoy.

And so, tune in. Listen up. And let’s talk about being Amerikanong Brown.

Ikaw tropa, tingnan mo nga yang siko mo? Maitim no? At ang kulay mo? Brown. Kaya nga lang in terms of culture kasi, affected daw tayo n gating kultura at ng colonization ng mga Amerikano sa ating bansa. So stay tuned and listen up.

Music: Hanggang Pangako’y Makamtan by Bread of Life Music Ministry

brown americans

For this episode po, ang pag-uusapan natin is about us being Amerikanong Brown. Yan po yung tawag sa atin minsan ng mga kapitbahay nating bansa dito sa Asya no. Tayo daw mga Pinoy—we’re very American! Karamihan sa mga sumakop sa karatig-bansa natin, usually British or European ano? Like sa Singapore, pasintabi naman po sa mga taga-Singapore, may mga times na hirap tayong intindihin yung English nila, kasi nga mas influenced sila ng British English. Pati diyan sa Hong Kong diba? Kelan lang din naman isinoli ng England ang Hong Kong sa Chinese government, hindi ba?

Kaya nga ba, dito sa Philippines, tayo raw ang may number 1 na English proficiency dito sa Asia. Although, yung mga nasa business process outsourcing industry eh medyo naaalarma, kasi nagca-catch up sa atin ang China at Vietnam. Kung mawala daw sa atin yung English proficiency natin at magsilipat yung mga Call Centers sa Vietnam, which by the way is already happening. Or magsilipat yung iba sa India, which is also happening, by the way. At India kasi ang kakumpetensiya natin pagdating sa English proficiency. India rin ang kalaban natin sa pagiging Outsourcing Capital of the world.

But anyways, hindi lang naman sa language nakikita ang impact ng United States, ng mga Americans dito sa ating bansa.

Music: Kung Tama Siya –Gloc9 feat. Jaq Dionisio

At well, this time, medyo hindi naman ako technically Professor mode no. Pero magta-time travel tayo no. And let’s go back in the not-so-recent past at tingnan natin yung ating history at yung ating relationship with the Americans. Sabi nga sa atin, mga Amerikanong Brown, pero ,kung titingnan ninyo yung mga siko nyo. Lalo na kung Ilocano kayo, maiitim yan!

At isa pa, no? Pansinin ninyo yung mga advertisements, mapa-billboard, o kaya TV, o kaya radyo, napakaraming ibinebentang glutathione, kung hindi man glutathione, eh mga lotion na pampaputi, na tipong pag maputi ka, automatic na maganda ka. Pag-uusapan natin yan and a couple of other issues na nakuha natin dahil sa pananakop ng United States dito sa ating bansa.

So ayun, mga kabarkada, kapag narinig ninyo ang United States of America. Ano ba ang usual na naaassociate ninyo. Nung bata ako, ang naiisip ko kaagad ay balikbayan box na maraming Jergens lotion, Dove na sabon, at kung anu ano pang products o PX goods na galing sa US. O di kaya, mga matatangkad, mapuputi, at magagandang mga dilag. Matatangos na ilong at malalaki rin ang butas. At matatangkad na mga tao. Mga Kano, in short.

Nung bata ako, maalala ko, meron isang grupo ng church na laging merong dalawang Amerikano na pinapadala sa mga bayan-bayan, baryo-baryo sa mga probinsiya natin. Dahil nga, karamihan sa kanila ay Amerikano at meron silang nameplate dito sa left breast usually. Nakalagay ang pangalan nila dun at pangalan ng church nila. Alam nyo yung mga bata, kapag paparating na ang mga Amerikanong missionary ng church na ito, parang tuwang-tuwa ang mga bata. Kasi para silang nakakakita ng higante—mga 6 feet yung tangkad nung ilan at siempre matangos yung ilong. Out of the ordinary. Kaya sabi nila: “Hey Joe, Hey Joe!”

At ito namang mga Amerikano, that’s usually an entry point for them. And for some reasons, tayong mga Filipinos ano, we are very welcoming sa mga Kano, sa mga Puti in general—whether Germans yan, Europeans or whatever. Bakit kaya ano?

Well, let’s go back in time, tingnan natin ang ating history.

Tayo po kasi sa Philippines, nasakop tayo, una ng isang European country-Spain. And pagkatapos, habang busy si Gen. Emilio Aguinaldo na nagp-proclaim ng independence sa Kawit, Cavite, merong ibang nagaganap na kwento. Yung ibang kwento na to, busyng-busy si Gen. Aguinaldo no. Behind the scenes pala eh may nag-uusap na dalawang bansa. Ito na nga po, nag-uusap ang United States of America at ang Spanish government. So habang tayo busy tayong nilalabanan itong mga Spaniards, itong mga Spaniards, ibinenta tayo sa mga Kano. Pero still no. Grabe, ibinenta tayo ng mga Spaniards.

At ayun na nga ano, nagkaroon ng Battle of Manila, nagsurrender ang mga Spaniards sa mga Filipinos pero ayun na nga, biglang umeksena itong USA at tayong mga Pilipino ay napailalim uli sa isang mananakop.

Diyan nag-umpisa ang adventure natin with the Americans. Actually, yung relationship natin with the Americans did not start out well. Hindi maganda ang naging umpisa. Bakit? Kasi sinubukang makipag-usap ni Aguinaldo sa mga amerikano, nanghingi siya ng mga armas, pero hindi siya pinagbigyan. Ang nangyari, nagkaroon ng Filipino-American War at alam nyo ba kung gaano katindi ang war na ito?

Ito po ay katumbas ng Vietnam War noong 1970s ang sabi nila, tayo raw ang unang Vietnam War ng Americans. Kagaya po ng maraming giyera, maraming pang-aabusong ginawa—maraming mga massacre na naganap. Kung gusto ninyong magbasa more about this, hanapin po ninyo ang Balanguiga massacre na nangyari diyan sa banda ng Visayas area at it’s very bloody.

Very bloody ang Filipino-American War. Hindi lang iyan, in fairness naman sa mga Americans, marami naman silang dinala sa atin, mga itinuro na hanggang ngayon eh ginagamit pa rin natin dito sa ating lipunan.

Isa-isahin natin ano ang mga mabuting naidulot:

Una, sila naman ang nag-introduce sa atin ng universal basic education.

Yung mga Thomasites ang unang mga teachers dito sa ating bansa. Kaya nga, nung mga bata pa ang mga lolo’t lola natin, napakahusay nila sa English, Arithmetic at ibat’ ibang subjects, dahil na rin sa impact nung mga American teachers. AT in fairness, hindi naman soldiers ang mga teachers na ito at hindi sila involved sa war. Ayan, education yung una

Pangalawa, itong mga Americans, sila rin ang nagdala sa atin ng Protestant religion.

Dahil sa mga Americans, meron ding mga Christians groups maliban sa Roman Catholic Church, so nandiyan ang mga Baptists, United Methodist, Presbyterian,  Evangelical United Brethren, Disciples, so dumami ang grupo ng mga Christians dito sa buong bansa. At dahil diyan, napalaganap din ang pagbabasa ng Bible. Kasi diba, tayong mga Protestant, we are big on reading the Bible, hindi lang tayo, nagrerely doon sa pari to give us the spiritual feeding that we need.

Kayo mga kabarkada, nagbabasa ba kayo ng Bible nyo? O kaya meron nga kayong Bible sa bahay, kaso ayun, nag-iipon ng alikabok. Mga tropa, basahin naman natin, marami tayong madidiscover diyan na lessons para sa ating buhay.

So ano pa?

We also have democracy dahil sa mga Americans.

In fairness ano, itong ating centralized national government ay legacy ng mga Americans. At yung form of democracy natin ay patterned after the Americans. So we have a President, we have House of Representatives and the Senate. Kung siguro, ang United Kingdom ang sumakop sa atin, baka ang na-adopt nating system ay yung Parliamentary System—so meron sana tayong Prime Minister at isang Congress.

At ito pa ang isa na napakahalaga, dahil sa mga Americans din, nagkaroon ng urban planning.

Kung titingnan nyo ang original na layout ng Baguio City at ng Manila, yan po ang legacy ng isang tao at ng mga kabarkada niya—si Daniel Burnham, kung saan ipinangalan ang Burnham Park sa Baguio. Pero siguro sa mga kababayan nating madalas bahain ano, dito sa Metro Manila, nagrereklamo dahil bakit nung nawala na yung mga Americans, bakit parang nawala na rin yung pagpaplano ng ating mga cities. Tingnan mo. Siguro last week ano, nagbabasa ako ng tungkol sa flooding ano, yung mga floodways na dapat dinadaanan ng tubig sa banda ng Marikina, Taytay, and some other parts of Manila. Instead na protektahan yung mga floodways na daanan sana ng tubig, akalain mo bang ibinenta at pinatayuan ng mga subdivisions. So naturally, hindi makadaan yung tubig, so there is flooding everywhere!

Well, siempre, hindi naman natin hinihiling na bumalik yung mga Americans no? What I’m saying is, nung panahon ng mga Americans, nagkaroon tayo ng urban planning na maayos. So that’s something that we need to learn again.

Saka isa pa ano, yung democracy na binabanggit ko kanina. May mga times na ang feeling nating mga Pinoy, hindi democracy, kundi demo-crazy! Lalong-lalo na, katatapos ng elections and we are preparing for another elections na hopefully matuloy—itong Barangay elections this coming October. Naku, grabe rin ano. Siguro, ang naging isa sa mga pagkukulang ng pag-transplant ng democracy sa atin—is to consider our local and native culture. Hindi natin na-take into account na yung democracy ng mga Americans ay nakaugat sa kanilang kultura, nakaugat sa kanilang mga pinagdaanan bilang isang bansa. How about dito sa atin sa Philippines. How would it work?

Kung kayo po ay nasa ibang bansa at napapanood, napapakinggan ninyo yung mga nagaganap sa ating bansa, minsan nakakalungkot yung mga nagaganap na vote-buying, yung mula Governor hanggang Barangay Tanod, magkakaapelyido. Nagaganap po iyan eh ano?

Kaya parang minsan talaga, it’s crazy. We have a crazy democracy sometimes.

At pagdating naman sa usaping cultural, napakarami din nating nakuha sa mga Americans ano?

Yung definition natin ng beauty.

Bakit ba dito sa Pilipinas, kapag sinabi mong maganda, kelangan maputi. At parang pag super brown ang kulay ng isang dalaga, o kaya medyo maitim, sasabihin nating “exotic beauty.” Bakit diba?

Siguro kasi, nasanay tayo na laging may puti at yung mga napapanood natin sa TV ay ewan ko ba, mga mapuputi at mga imported na beauty. Tuloy, ang nangyari, nawalan tayo ng appreciation sa sarili nating definition ng beauty. Diba?

Samantalang yung mga Americans na babae, nagpapa-tan kaya yang mga iyan. Nagpupunta sila sa beach para mag-sunbathing o kaya, ito pa yung umuso—mga tanning beds. Yung tipong, para kang ilalagay sa isang capsule na may some form of light, para ka umitim o kaya maging brown. O kaya para sosyal pakinggan, “TAN”.

Kaya yun, yan yung ilan sa mga cultural stuff na nakuha natin sa mga Americans. And you know what, dito po sa panahon ng globalization na hanggang ngayon ay USA ang nakikita nating dominant na bansa pagdating sa economy, pagdating sa military power, at sa cultural power. We are heavily influenced by American culture. At kung napakinggan po ninyo yung last na episode natin tungkol sa Music, even in Christian music, mga kababayan, we are influenced by American culture. Or hindi man American, something foreign.

Kaya, the next time you go to church, ito challenge ko sa inyo ah—pansinin mo. Ilang Tagalog songs ang kinakanta ninyo? At hindi lang iyan ah, original bang Filipino yang kinakanta ninyo? Or was it translated?

Exactly. That’s my point. This is the challenge sa atin—it’s to reaffirm our Filipino identity. Hindi naman masama, at hindi natin matatanggal na tayo’y influenced ng Americans. They were in the Philippines for more than 50 years at hanggang ngayon, they are influencing us. Tingnan nyo na lang yung mga pinapanood sa mga Cinemas natin, karamihan Hollywood movies. Pero still, that should not stop us from looking into ourselves as Filipinos and affirming our Filipino identity.

Kaya nga mga katropa, lalo na yung mga kabataan diyan, isipin ninyo kung paano natin marereaffirm yung ating pagiging Pilipino. Iaffirm natin ang ating kulay, ang ating ilong—matangos man o pango, kasi tayo’y mga Pinoy.

Music: Tayo’y Mga Pinoy: Ely Buendia, Raymund Marasigan, Barbie Almalbis and Rico Blanco

Ayan, Narinig nyo ang revival ng “Tayo’y Mga Pinoy” na originally by Heber. Siguro, kilala yan ng mga lolot’ lola natin, mga tatay at nanay natin diyan. At maganda na nirevive siya ng ilang mga younger musicians—sina Barbie, Ely Buendia, Rico Blanco at Raymund Marasigan. I really like their version. Kahit na ginawa yan for a cellphone company, it’s a great song.

At ito nga po, tayo’y mga Pinoy and we should affirm that. Sabi nga sa Bible sa banda ng Revelations: “every tongue, every nation, every tribe.” We will all be represented in heaven. At kung hindi natin irerepresent ang ating wika, ang ating kulay, ang ating bansa, eh we are not being faithful dun sa tawag sa atin ng Panginoon.

Ito po si Kuya Mighty, nakasama ninyo sa Generation Y Chronicles. Huwag nyong kalimutang magpunta sa ating Facebook page: Facebook.com/PinoyYouth.

Kung namiss ninyo ang past episodes, please go to http://PinoyYouth.org/GenerationY.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*