#26 Usapang Pogi

Right click here to download the episode.

ramonbautistaHello mga katropa! Welcome to our last episode for the month of July, at ang pag-uusapan naman natin ngayon ay tungkol sa pagiging pogi. Kasi last time pinag-usapan  natin iyong pagiging maganda, hindi ba? So at this episode, pag-uusapan naman natin–“Ano nga ba ang sikreto ng mga tunay na pogi, ng mga tunay na guwapo?”At iyan ang pag-uusapan natin in the next 30 minutes  dito sa Generation Y-Chronicles

By the way, sa mga bago nating tagapakinig, ako si Kuya Mighty at ako ang host ng ating programa, ng Generation Y Chronicles. At ang programang ito ay hatid sa inyo ng DZMR 1143, ang FEBC station sa Santiago City, Isabela. Gusto ko rinng pasalamatan ang aking opisina- Young People’s Ministries under the United Methodist Church.

So sino nga ba ang matatawag nating pogi sa panahong ito; kasi madalas ang makikita natin sa TV at sa mga posters, sa dyaryo, sa magazines o kaya kahit sa mga billboard o kung saan-saan: ang pogi e yung makinis ang mukha, perfect smile, putting-puti ang mga ngipin at mayroong magagandang chicks sa tabi, o kaya lagging may ka-kissing scene na magandang babae. At kung titingnan nga natin, eto iyong nagiging definition ng guwapo, ng pogi,  sa ating society. Now tingnan natin iyong ilan sa mga qualities na what’s supposed to be a real pogi, a real guwapo.Alam niyo ba mga tropa na mayroong isang website na umuso sometime back, at ang topic nito, ang tittle ng site nito ay “Ang tunay na lalaki”. Actually, ang dami nga niyang sinabi tungkol sa pagiging tunay na lalaki. Eto, iisa-isahin ko ha? Medyo censored at hindi wholesome iyong iba so medyo ii-escape ko. Bear with me.  Ganito iyong sinasabi, iyong manifesto daw ng tunay na lalaki:

“Ang tunay na lalaki daw ay hindi natutulog”- so parang lagging puyat at kung anu-anong ginagawa kapag gabi. “Ang tunay na lalaki daw ay di nagtetext-back, liban na lang kung pasahan ng load gayun pa man laging malabo ang kanyang mga sagot.”  Hindi lang pala dapat suplado kundi dapat Malabo pang kausap ang tunay na lalaki. Iyong mga kaibigan natin na babae, ganito ba ang qualities ng mga lalaki sa buhay ninyo- mga barkada ninyo, kapamilya ninyo o mga kabarkado ninyong lalaki?

Eto pa pangatlo, “Ang tunay na lalaki ay laging may extra-rice”: walang diet-diet daw sa tunay na lalaki, at kung minsan e hindi lang kain, lamon.Iyong ibang mga kabataan sa youth group naming sa church, iyong ibang mga kakilala ko as in paramihan sila ng extra-rice kapag napupunta sa mga restaurant na merong unlimited rice. Sabi nung isang kabataan sa akin, si Mike ata iyon-siya daw nakaapat lang siya na extra rice sa isang restaurant na nag-ooffer ng inasal na chicken samantalang iyng isang barkada daw nila nakatatlong extra-rice. Imagine that! Walong extra rice? Well, hindi niyo na itatanong, iyong lalaking iyon ay medyo nasa heavy side, puwede na nating sabihin na talagang mataba siya.

At eto pa next –no. four: ‘Ang tunay na lalaki ay hindi vegetarian”- sabi ko nga walang diet-diet e. Panglima: “Ang tunay na lalaki-walang abs.”-walang extra rice, so walang abs iyong tunay na lalaki daw. Singular lang daw so, “Ab” kasi tamad nga mag-gym e. Tapos minsan sinasabi pa nila na ang tunay na lalaki daw dahil walang abs, hindi sila metrosexuals . Alam niyo ba iyong metrosexuals? Eto iyong mga, sa tagalog tinatawag nating balidoso. Eto iyong laging may pampaguwapo sa bag-may pulbos, may face powder, mayroong pambango at mayroong kung anu-ano. Pag nagpunta sa banyo e parang mga dalaga na nagpupunas, naghighilamos at kung anu-anong pinagagagawa. Eto naman iyong biro ng iba diyan, iyon daw mga metrosexuals, mga balidoso-parang isang metro na lang daw, bading na.

Ito iyong disclaimer ko ha – Hindi ko ineendorse eto, binabasa ko lang kung ano  iyong pagtingin ng mundo sa pagiging  tunay na lalaki. Ito iyong pang-anim no-“Ang tunay na lalaki ay hindi sumasayaw.” Parang hindi rin no? Dun nga sa may probinsya, lalung lalu na sa maraming parts ng ka-Iloconohan, kapag ka may kinasal o may pasayaw excited nga ang mga kalalakihan makipagsayaw; kahit mga tatay, kahit mga lolo parang atat na ata makipagsayawan sa mga dalagang guest nung bagong kasal.

Pampito: “Ang tunay na lalaki ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalaki.” I think this is something good kasi nga may mga times na ang pagtingin natin ay ang mga tunay na lalaki daw ay hindi nagsosorry, magkamatayan na hindi lulunukin ang pride. At, alam ko mayroong mga lalaking ganyan na hirap na hirap mag-express ng feelings, hirap na hirap aminin na nagkamali sila. Eto number eight, medyo grouse ito mga tropa, at well I’m sure hindi ito totoo-“Ang tunay na lalaki ay lageng may tae sa brief.” Pambihira! Siguro eto na lang , siguro eto iyong sobrang iresponsable sa buhay o kaya hindi makontrol ang galaw ng kanilang tiyan.

Number nine- “Ang tunay na lalaki ay hindi naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya mas lalung nagging tunay yang pagkalalaki kung hindi niya kilala o hindi niya maalala ang pangalan ng babae.” Marami akong kilalang lalaking ganyan.Actually iyong isa kong kakilala, youth din namin sa church, balak na niyang magpastor pero ito iyong laging reklamo sa kanya: hindi niya magligpit iyong hinigaan niya pag umaga at minsan kung magpalit siya ng damit, kung saan siya maghubad ng damit doon na niya binababa ang pinagbihisan niya ng t-shirt, so parang ahas. Well, ang totoo kasi niyan, sa ating society, nasanay tayo na iyong mga nanay natin ang gumagawa ng gawaing bahay para sa atin.

Pero in fairness, marami din naman akong mga kakilalang lalaki na talagang masinop as in gusto nila maayos ang bahay, maayos ang mga gamit nila at ayaw nila ng pakalat-kalat. So, maybe it’s true, maybe it’s not. Mamaya tatalakayin natin some of the ideals kung anu nga ba ang tunay na lalaki sa paningin ng Bibliya at sa pagtingin n gating Diyos. Eto pansampu, “Ang tunay na lalaki daw ay hindi nagsisimba”. Hindi naman ata ako nag-aagree diyan kasi makikita mo sa kahit anong  mga churches diyan, maraming mga lalaki ang nagsisimba as in tunay na lalaki. In general, mahirap magconclude na ang mga tunay na lalaki hindi nagsisimba. Pero ito iyong ilan sa mga summary ng mga mapupulot natin sa Manifesto ng Tunay na Lalaki but before we do that, let’s just pause and listen to this music.

Music PLAYING: SUPERMAN BY FIVE FOR FIGHTING

Ayan na nga, napakingan nyo iyong “Manifesto ng Tunay na Lalaki” na available on-line. At ito iyong ilan sa mga  mapupulot nating  conclusions base dun sa pagtingin  kung ano nga ba ang tunay na lalaki sa ating mundo ngayon, sa ating society. Una, nakikita natin na dapat ang lalaki astig, dapat macho kumilos,dapat malupet. Alam mo iyong parang brusko? Macho-guwapito, di ba? Pero actually, hindi na rin iyan guarantee ngayon.

Minsan birubiruan nga lalong-lalo dito sa City, iyong mga nag-gygym na kelalaki ng katawan; front lang daw nila iyon para makapangtakot ng mga crush nila. Parang ganito iyong mga biro-biro, “Pre, pakiss!” (Manly tone) Baka narinig  n’yo na iyong joke na iyan o kaya na-encounter n’yo na. Pero usually ganun nga, hindi raw guarantee iyong pagkakaroon ng bruskong katawano kaya bruskong demeanor  para masabi mong tunay na lalaki ang isang tao. Eto, puwede ring masabi natin na ang mgalalaki mahusay sa Sports. Maybe in general, this is true. Pero hindi lang naman ito confined sa mga lalaki. Marami ding mga babae ang mahilig sa sports. Pero usually kapag hindi ka Sporty, parang minsan iyong ibang mga lalaki ang tingin sa iyo wimp o weakling.

Eto pa, minsan ang standards ng mundo sa tunay na lalaki ay dapat laging nag-iinom o kaya laging nagyoyosi  at tamad, di ba? Sa parang lasenggo na nga, nagyoyosi pa, may mga bisyo tapos tamad pa, hindi mo pa maasahan  sa bahay at kapag nagtrabaho hindi mo sigurado na iyong kita  ibibigay sa asawa o kaya sa pamilya. Parang there’s something wrong sa pagtingin ng mundo sa pagiging isang lalaki. At eto pa siguro iyong pinakamalaking bumabangga sa Christian Worldview na ang tunay na lalaki daw, laging maraming babae. I mean, look at it this way, merong mga lalaki na ang hobby nila ay magpunta sa mga beerhouse, mga night clubs at iyong mga may sumasayaw at iyong iba mga prostitution den talaga. At iyong iba naman nagkakaroon ng girlfriend ng sabay-sabay. Iyong iba pa nga hindi lang tatlo o apat pa, hindi lang two  timers kundi for timers sabay-sabay.

Grabe mga tropa! Ginagawa niyo ba iyon? Sa tingin nyo bam as macho kayo if you have more girlfriend? Ganun ba iyon? Or does it just  say na kulang ka sa responsibility? Kasi iimagine mo, if you get into a relationship with someone ibig sabihin you are also responsible for the emotional well-being of that person. Iyong tipong dapat hndi lang iyong nakukuha mo iyong mahalaga  kundi it’s a give and take relationship. Pero kung take ka lang ng take, tropa may problema tayo! Hindi ganon ang tunay na lalaki.

Now let’s see, ano ang characteristics ng tunay na lalaki? Magandang tingnan natin iyong sinasabi sa Bible, sa Daniel 1:4, life verse ng mga guwapong kristyanong lalaki:

“Young men without any physical defect, handsome, showing aptitude for every kind of learning, well-informed, quick to understand and qualified to serve in the King’s palace. “

Hindi lang pala ito tungkol sa pagiging guwapo but also teachable as in capable matuto, medaling makaintindi, well-informed at able to serve at the King’s palace. Iyon ang pagiging isang lalaki! It’s not just about looks! It’s not just about kung anong laman ng bulsa mo o kaya ano iyong car na dinadrive mo! Now, sa pagbabalik natin; we will tackle “The Four Pillars of a Man’s heart”. Meron kasing isang book na iyan ang title. Makikita natin ang mga characteristics ng isang lalaki.

Music PLAYING: BEAUTY AND UGLY BY JASON M’RAZ

HIGH BY THE SPEAKS

Nagbabalik po tayo sa ating programa. Si Stu Weber, nagsulat siya ng libro na ang title ay “Four Pillars of a Man’s Heart”. At, eto iyong sinasabi niya na major-major characteristicsng isang tunay na lalaki.

Una, ang isang lalaki ay KING or LEADER; as in you take charge, you deliver results at ikaw ang mag-aalaga dun sa mga nasasakupan mo.

Kasi sa totoo lang ano, ang biblical model ng leadership ay hindi ikaw ang kumukuha kundi ikaw iyong nagseserve para sa nakakaraming mga tao. Tingnan mo na lang iyong model ni Jesus, at iyan iyong pagiging totoong KING- you serve others. So if you are a real man, dapat iyong heart to serve ay naandiyan sa heart mo.

Pangalawa, a WARIOR or ADVENTURER, dito siguro pumapasok iyong idea natin nadapat fighter, dapat brusko, firm iyong isang lalaki.

Kasi dapat you are fighting an enemy. Ano ba ang enemy? Hindi iyan iyong asawa mo! hindi iyan iyong nanay mo! Hindi iyan iyong kapit-bahay mo. But, actually ang enemy minsan ay sarili mo, minsan it’s the injustices dito sa ating mundo. At kung titingnan iyong ibang mga examples ng mga warriors sa mga move, sa Lord of the Rings si Aragorn di ba?,halimbawa sa Panday dito sa ating bansa-meron silang prinoprotektahang mga tao , that’s the role of the warrior in a man’s heart.

Pangatlo, LOVER.

Astig no? Kailangan nagmamahal ka ng tapat. Hindi lang kung ano ang makukuha mo sa relationship but also how you express that love in a very deep and caring way. Ikaw tropa, how do you love?

And lastly, MENTOR.

Ito na siguro iyong kapag tumatanda at nagiging wise na tayo, we disciple the younger generation. Ibinabahagi naman natin kung ano iyong mga natutunan natin and how can we be examples doon sa mga mas nakababata sa atin. Kasi pag sinabi mong mentor, you are overseeing the development of someone else. Tinuturuan mong maging mas mabuting tao ang isang younger man. Mayroong grain of truth iyongnakikita nating characteristics ng lalaki na nakikita ng mundo. But more than that, dapat tinitingnan natin na ang isang tunay na lalaki ay isang KING, LEADER, WARIOR, LOVER at MENTOR.

Ikaw tropa, paano mo nakikita ang sarili mo bilang isang lalaki; are you a real man?

Sa mga katropa nating babae, the men in your life-tatay mo, kapatid mo, iyong lover mo; nakikita mo ba iyong characteristics ng totoo at tunay na lalaki sa kanila? This is Kuya Mighty, nakasama ninyo in the past half-hour dito sa Generation Y Chronicles.

 

Image credit: http://eligadz.tumblr.com/

Salamat kay Toby A. Duag sa transcription ng episode na to.

2 Comments

  1. No offense but all of that was not a manifesto of a “tunay na lalaki” but ’twas a manifesto of iresponsible humans in this society which is very useless or nothimg in a nation and in the countrymen, in short mga tamad at batugang walang pwesto sa lipunan….

  2. yet, some of your “manifesto” was in right side. but for meh straight guys were useless or worthles just if they just sit there, prove that they are straight and make problems in the society, then, everything was nothing, we dun neied straight guys’ manifesto, thus we need your a guy’s right do’s in this world in order to be worth it, and that was the straight guy in the end….. “everything was worthless unless you act now”

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*