#012 – Addiction: Yosi at Alcohol

Generation Y Chronicles Episode #012:

Bilang mga kabataan target tayo ng mga napakarming advertisements.., target din tayo ng napakaraming temptations.., andami-daming addictions na pwedeng nating mapulot, HOW CAN WE PROTECT OURSELVES AGAINST ADDICTION?

Right click to download this episode

Hi mga tropa wazzup, wazzup? Kumusta? Ah, nagkasama nanaman tayong muli, isa nanamang episode ng Generation Y Chronicles kasama ako. Sino pa diba? Ako si Kuya Mighty, and in the next thirty (30) minutes magkukuwentuhan nanaman tayo tungkol sa buhay kabataan.

Well, this episode is, especially dedicated sa inyong mga kabataan ngayon na may “BISYO”, hindi lang bisyo, coz today we’ll be talking about “ADDICTION”. Sabi nga nung isang kanya nung 1990’s “Nagsimula sa patikim-tikim, pinilit kong gustuhin.., Bisyo’y nagsimulang lumalim., kaya ngayon ang hirap tanggalin,” kaya in the first place, bakit ka pa mag-uumpisa, diba?

So let’s, let’s take a look at the two (2) Most Popular Addiction among Filipinos and Filipino Young People, tingnan natin ngayon yung tungkol sa addiction sa YOSI, sa Cigarettes, at ang addiction sa ALCOHOL. Ngayon tingnan natin no, I will be taking a look at some of the statistics at kung paano ba natin maproprotektahan ang sarili natin tungkol or against these addictions!

Noong 2007 nagkaroon ng isang pag aaral na ang tawag ay Philippine’s Global Youth Tobacco Survey at very interesting yung naging findings ng study na ito, mga estudyante lang yung na-survey dito sa pag aaral na ito. Ang sabi, 46.2 % of students had ever smoked cigarettes. So almost 50% ng mga estudyante eh sumubok maa yosi. So 27.3% gumagamit ng tobacco products, 21.7% and smoking.

Hmm… 21.7 percent ng mga kabataan, parang malaki-laki yun ano?

And then 13.6% never smokers, mga talagang hindi pa nag yoyosi ever na gustong mag yosi.., parang napakarami, ano?

Mas prevalent naman sa mga kabataang lalaki ang pagyoyosi, so ang tendency is that male ay nakatikim na ng yosi, mga 58.2% ng mga male young people.

Oh, pagdating naman sa knowledge and attitudes 33% think BOYS and 19.4% think GIRLS “who smoke have more friends” Wow.., interesting ano? Parang mga 33% sa mga boys tingin nila na kapag nagyoyosi ka mas marami kang friends.

Hmmm, totoo nga kaya yan? Mga tol, ano sa tingin ninyo? 18.2% naman ng mga boys think that “those who smoke look more attractive” aba siguro nakatulong dito yung portrayal sa media ng mga nag-yoyosi in an attractive role. Halimbawa na ah, if there’s a popular actor or an actress na nagyoyosi, ang tendency is for young people na na isipin na “astig magyosi” diba?

Well, yun na nga dahil tayong mga kabataan eh we are very, very receptive sa media, our tendency is to idolize at i- emulate yung mga nakikita natin sa media and this is pretty alarming. In the past year or so, ipinagbawal na ang pag-aadvertise ng mga sigarilyo sa lahat ng media, so whether that’s print media, yung mga newspapers or whether in radio or television, talagang bawal na ang yosi na mga patalastaas and nagkaroon narin ng Sin Tax Bill na tinaasan ang presyo ng alak at ng yosi but still, napakarami paring kabataan ang nag yoyosi.

Bakit nga ba nag-yoyosi ang mga kabataan ano? Well, tatlong (3) bagay lang yan I believe:

Una, “it’s to belong” lalong-lalo na if yung mga barkada mo eh natutong magyosi. You want to belong so yosi kana rin, diba? Minsan nga yung mga high school students nagka-cutting class o kaya nagpupunta sa likod ng paaralan para lang makapag yosi . Kahit paano mo naman itago yan ma-aamoy at ma-aamoy ka rin tol, kaya better not start diba? So there’s “peer pressure”

Pangalawa, andiyan yung we “emulate what we see”, so whether in media or yung mga.., mga parents natin nag yoyosi, the tendency for you would be mag yosi din, diba?

Pangatlo, there’s also the element of “Curiosity” eh dahil nga gusto nating siguro malaman na “ano kaya yung feeling ng nagyoyosi?” Parang astig, diba? So yung curiosity natin eh gusto nating masatisfy at siguro yung iba, gusto rin nilang magmukhang mature o kaya gustong maging, magmukhang astig kaya tuloy napapayosi. Pero here’s a WARNING mga tropa:

According sa isang report sa Inquirer.net, I’m quoting from a column by Dr. Philip S. Chua, and sabi niya:

“at least two hundred fifty (250) Filipinos die each day or that’s about ninety thousand (90,000) a year from smoking related illnesses, cardiovascular pulmonary metabolic diseases and cancers, especially “LUNG CANCERS”. In Malaysia, about ten thousand (10,000) and Vietnam at least forty thousand (40,000) die annually from tobacco related conditions. Indonesia’s death toll is the worst, four hundred thousand (400,000) a year. The sad fact is that, global tobacco youth survey has revealed that the smoking prevalence among Filipino youth had jumped from fifteen percent (15%) in 2003 to 21.6% in 2007 and extrapolated to growth even higher”.

Uulitin ko tol, ang mga namamatay sa tobacco related diseases sa Pilipinas, 90,000 a year. So whether that’s emphysema, lung cancer, tuberculosis… hindi pala nakukuha ang tuberculosis sa pag yoyosi, ano? But, still that’s a lot of people na namamatay dahil sa tobacco related diseases, eh ngayon tayo namang mga kabataan, bakit ba gustong gusto nating sumunod sa yapak nitong mga namamatay na ito? Oh, nakikita niyo naman siguro yung poster diba?, ng si “Yosi Kadiri” dati. Nakikita ninyo na affected ang lungs, affected ang lips, affected ang utak, affected ang buong katawan natin, but still, we want to try it, Bakit nga ba kasi, diba?

Dumako naman tayo sa usaping “Alcohol Drinking” among young people, ayon sa World Health Organization (WHO)
60% of Filipino youth ages 13 years and above have taken or are taking alcoholic beverages, 79% noon ay mga lalaki at 21% nun ay mga babae.

Nakita niyo ba lately yung video ng mga bata na nag-iinuman ng isang brand ng Vodka? Alam ko kumalat yung sa facebook eh, tsaka sa youtube na, grabe naman yung mga parents ng mga bata na yun ano? Parang may adult man na talagang nag-susupervise sa kanilang pag inom, at dumarami nga ang incidents ng mga kabataang Pilipino na nag-iinom at hindi lang basta nag-iinom , sometimes talagang madalas ang pag inom at nagiging heavy drinkers sila.

Dumarami nga ang mga kabataan na nagiging heavy drinkers kaya sa mga lalake nagiging heavy drinkers ang about 66.6% at ang statistics na yan ay noong 2001 hanggang 2004 pa noh, so it’s been almost 10 years at malamang tumaas pa yung number na yan. Now, ano nga ba kasi ang rason kung bakit umiinom ang mga, ang mga Pilipino, mga kabataan?

Ang isang major major reason bakit umiinom talaga ang mga kabataan “it’s for socializing”. Ah, siguro lalo na sa mga kalalakihan. May mga times na yung mga kabataang lalake, actually kahit na yung mga matatandang mga lalake, umiinom para mag hinga ng sama ng loob, o kaya ah, may pinagdadaanan, so they’re trying to drown their emotions sa pag-inom.

O kaya if they want to have fun, eh talagang nag-iinom lang. Sa isang banda, ah nandun din yung element ng “peer pressure” so kung yung mga barkada mo eh inaaya ka, madalas, sa mga kabataan “KJ” and hindi sumama, “KJ” and hindi makipag inuman, hindi ba?

Kaya nga lang, kagaya ng sabi “lahat ng sobra ay masama”. Ang tendency naman ay nagkakaroon ng “alcohol abuse among young people” at ang tendency pa is that, if you are already a heavy drinker na isang kabataan, it can only escalate as you grow older. Hindi ko alam if napansin na ninyo, lalong lalo na sa mga provinces, mayroong mga matatandang lalaki na ang pang-mumog nila “Gin”. Ang pampatulog nila “Gin”. Kapag may celebration “Gin”. Maisip lang “Gin”. So alcoholic na talaga iyon and lahat naman ng ganoon klase nag uumpisa yan sa patikim-tikim and eventually “the addiction took over their whole lives”, diba?

So ang tanong ngayon, bilang mga kabataan, paano natin ma-papangalagaan ang mga sarili natin laban sa ganitong mga addictions, laban sa ganitong temptations? Well, for one tingnan natin ang epekto ng isang addiction sa buhay ng isang kabataan. Tingnan natin sa 3 areas ng inyong buhay noh.

Una, Mental – ano ba ang epekto nito sa inyong pag iisip? Of course there’s dependence. Lalong-lalo na sa mga nag yoyosi, ah pwede nilang sabihin na after kumain yosi; pampatunaw ng kinain; habang nag iisip yosi; pagkatapos ng break yosi; lalong lalo na sa nagwowork sa call centers; makikita mo talaga pagka may lunch break o kaya short break makikita halos napakarami may hawak ng yosi at isang malaking kape, sige yosi ng yosi. So eventually yung katawan mo at yung utak mo ay nagiging dependent doon sa pag yoyosi. Once you allow it to take root in your system, dude napakahirap ng tanggalin niyan. Tanungin mo lang yung mga matagal ng nagyoyosi at gustong tumigil, they find it so difficult to STOP! Ganun din naman sa alcoholic beverages. May mga umiinom lang occasionally, meron din namang sobrang dependent na at kung hindi mo rin iingatan, magiging dependent ka sa alcohol, magiging dependent ka sa yosi.,

Pangalawang area, titingnan natin sa physical aspect, titingnan natin sa epekto nito sa katawan. Kapagka sa yosi, maraming lung related problems., emphysema isa, pangalawa lung cancer, diba? And besides, kapag nag yoyosi ka napakahirap tanggalin yan sa sistema mo, kapag nagyoyosi ka, isipin mo nalang yung panggagamot ng mga sakit na ito napakamahal, diba?

At isa pa, ngayon siguro wala ka pang nararamdaman sa katawan mo, pero bumilang ka ng ilang taon, kahit nga yung stamina mo tsaka yung, yung puso mo at yung paghinga mo affected eh. Tingnan mo kung nag yoyosi ka, yung katawan mo hindi na kasing lakas katulad ng dati, minsan yung mga nagyoyosi mabilis mapagod, hindi ba? At yung risk sa ibang factors ng sakit. Halimbawa, contributor din yan sa, sa highblood tsaka risk factor din ang pag yoyosi sa mga meron ng diabetes, so kung meron ka ng existing na sakit, at yosi kapa ng yosi, naku tropa, you are inviting disaster, pinapaikli mo lang ang buhay mo.

Pangatlo, sa finances mo. Ang mahal ng yosi, diba? Actually pwede natin sabihing “mura ang yosi”. O sige, mag compute tayo ng kaunti, kung ang isang stick ay piso, nakaka-dalawang sticks ka sa isang maghapon, so dalawang piso sa isang araw noh., so sa isang buong taon, 365 x 2 = nakaka 730 sticks ka, so that’s 730 pesos, so kung halimbawa na 20 years noh.., that’s 14,600, eh isipin mo na lang kung isa kang chain smoker at nakaka 10 stick ka sa isang araw, dude bigay mo nalang sa akin yang (20) biente mo at sunugin natin sa harap mo, yan ang ginagawa po kapag nag yoyosi ka. Meron bang health benefits ang pagyoyosi? Nope.., Nada.,.., Kaput.., wala talagang health benefits ang pag yoyosi .

In fairness ang alcohol sometimes yung ibang wine eh may, may magandang epekto sa heart. Yun nga yung ibang doctors eh ni-rerecommend na uminom ng red wine ang ibang patients na meron heart problems. You should consult with your doctor kung sa tingin mo ay mayroon kang heart problems na makakatulong ang some form of wine. Now pagdating naman sa finances at sa pag inom, if you become truly addicted sa pag inom at gumagastos ka ng pag punta sa bar or pag inom sa bahay ninyo, i-compute mo nalang yung nako-consume mo sa isang buong taon. How much would that be, o diba?

At anong napala mo, diba? You should really ask yourself, kung ano ang napala mo, diba? Patikim-tikim and then eventually hindi mo namamalayan isa ka na palang addict.

Music: Better than Drugs by Skillet

Napakarami talagang temptations sa atin bilang mga kabataan kasi gusto nga nating magmukang mature, gusto nating magmukang matanda na, so sometimes ini-imitate natin, ginagawa natin yung ginagawa ng matatanda… uminom ng alak, nag yoyosi until such time na nagiging “addicted na tayo” but here is the thing, tandaan natin ang ating katawaan ay “ito ang templo ng ating Diyos” and if it is a temple of God, then it is our responsibility na alagaan ito at huwag sirain. Ito gusto ko ring i-share sa inyo ang isang verse from 1Corinthians 6:12-13, ang sabi ni Saint Paul “ I have the right to do anything you say but not everything is beneficial, I have the right to do anything, but I will not be mastered by anything, You say food for the stomach and stomach for good and God will destroy them both. The body however is not meant for sexual immorality but for the Lord and the Lord for the body.”

So ang ating katawan na ito ay still made for the Lord, so anytime na sinisira natin ito because of various types of addiction, eh parang sinisira narin natin ang property ng Panginoon. And so now, how do we guard ourselves against these addictions? Simple dude, wag kang mag start, Don’t start! Diba? Simple!

And so if hindi mo ma-resist yung peer pressure at hindi mo rin ma-control yung sarili mo, then don’t start, don’t start, sabi nga ni Saint Paul “ I have the right to do anything but not everything is beneficial” Oo nga pwede, sige sure, pwede kang mag yosi., pwede kang mag iiinom, hanggang sobrang lango kana at lasing kana but here is the thing, sabi ni Saint Paul “ Not Everything is Beneficial”

Sige subukan mo, mag-iinom ka, mag yosi ka at kung anu-ano pang addiction, anong napala mo, diba? So you should ask yourself, is this going to be beneficial? May katuturan ba ito? May mapapala ba ako rito?

So ayan, those are just 2 types of addiction no, na kinasasadlakan ng maraming mga kabataan . There are other addictions na pwede pa nating talakayin, and by next episode ang pag uusapan naman natin, it’s a different kind of addiction, “internet addiction” Parang weird pakinggan, ano? Pero it’s true, it’s happening already.., at well, gusto ko man pang magsalita about it eh abangan niyo nalang sa susunod na episode ng Generation Y Chronicles.

I’d like to hear from you tropa, kung gusto mong magbigay ng feedback, ng tanong or whatever, please visit our facebook page at facebook.com/pinoyyouth o kaya pwede ka namang mag tweet sa amin sa twitter.com/pinoyyouth or gamitin mo ang hashtag #pinoyyouth at the same time if you missed any of our previous episodes punta ka lang sa pinoyyouth.org/generationY

Muli ito si Kuya Mighty ang naksama ninyo sa isa nanamang episode ng Generation Y Chronicles, dahil ang buhay kabataan minsan madrama, minsan comedy, minsan, hindi mo lang talaga maintindihan, kaya pag usapan natin tropa, hanggang sa muli nating pag kikita!

1 Comment

  1. Ikaw po ba Kuya Might? Nung kabataan mo, naranasan niyo po ang mga ginagawa ng mga kabataan ngayon? Naka-inom at tumikim ka ng alak at sigarilyo? Kung hindi. Paano niyo po napaglabanan yon? 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*