#010 – Di Ka Superhero Pero You Can Make a Difference

Generation Y Chronicles Episode No. 10

Ito ang isa pang episode ng GenY Chronicles, tungkol sa mga Superhero. In this episode, pag-uusapan natin ang mga paraan para gamitin ang ating idealism. Kahit hindi ka Superhero, may magagawa ka para sa bayan.

Right click here to download the episode

Here’s the transcript for this episode:

Kanikaniyang “idealism” ang mga kabataan, paano ba natin gagamitin ang “idealism” na ito To Make a Difference?

Hey mga tropa, what’s up?, what’s up?, grabe talaga ang init na ng panahon ano?, ito si Kuya Mighty at magkakasama nanaman tayo in the next 30 minutes sa kuwentuhan, pakikinig ng music at pakikipagbalitaktakan tungkol sa buhay kabatan. Napakainit na ng panahon mga tropa, summer na summer na nga hindi na talaga natin maipagkakaila ano?, and kumusta naman ang iyong pag hahalo-halo? O kaya yung pagbili ng scramble diyan sa may kanto, grabeh no, maramdaman mo palang ung yelo na natutunaw tapos ung mga prutas na kakainin mo, parang WOW! Naiibsan na kaagad yung init ng summer, at para dun sa mga may aircon naku, hinay hinay lang mga tropa, ung electric bill ninyo baka masyadong tumaas ah dahil sa kaka aircon ninyo, hindi ko kayo masisi kasi sobrang init na talga ng ating panahon.

But anyways for this episode ang paguusapan natin ay.., it’s about being a SUPERHERO. Sino ba ang favorite mong superhero ka tropa?, un bang mga pag nagpantalon eh nasa ibabaw ung brief? Yung mga mahilig mag suot ng tights, tapos yung parang may balabal tapos lumilipad? Ako nung bata ako ang pinapanuod namin nun ay yong x-men, the uncanny x-men, ah hindi ko alam kung inabutan na ninyo un eh, ang inabutan ninyo siguro yung pelikula ng x-men ngayon ano? Ah, Isa pa sa mga favorite kong superhero dati ito yung ano, yung Mighty Mouse parang… “Here I come to save the day” at siyempre dahil ang pangalan ko ay Mighty, everytime na naririnig ko ung mighty mouse parang medyo natatawa ako dahil nga, ah.., Mighty ang pangalan ko tapos meron mouse, diba?, at ayon dahil nga ung mga kaibigan ko, kaklase ko na nanunood din nun eh tinutukso ako minsan ng “mighty mouse, mighty mouse” ganyan, At nun ngang medyo tumanda-tanda na ako (pero wait, kabataan parin ako don’t worry) ang isa sa mga superheroes na talagang naging favorite ko eh ung.., ay si Naruto, Naruto, ayan.., favorite ko talaga ung Anime tsaka Manga.., ah.., hanggang ngayon nga binabasa ko parin ung Manga eh, everytime na may lumalabas, dun sa mangahere.com.

At kasi ang gusto ko kasi kay Naruto hindi siya yung Superhero na sobrang lakas agad ah.., (well granted malakas na talaga yung ano niya ngayon…, ung mga techniques niya) pero he started out as a looser, alam mo nung parang siya yung laging kulelat, lagi yung nasasabihan na wala siyang alam, pero eventually he will become something good, something great diba? At Naging hero pa siya ng kanilang village na Konoha. Well, how about you? I’m sure nanunuod kayo ng Siderman, Ironman, yung Hulk at kung anu-ano pang mga,…, mga superhero movies noh. Grabeh kasi talaga ngayon, pasalamat tayo sa technology ng computers at talaga namang nakikita natin ung ibang mga computer generated effects, at yung talgang paglipad ng mga tao parang totoong totoo, ‘no?

Pero ito naman ang tanong sa ating lahat, alam natin na ung mga superheroes talagang.., they are fighting for what is good, for what is right.., and they have superpowers para gawin iyon. Ikaw bilang kabataan, hindi ka superhero pero..,how can you make a difference… sa ating mundo?

At ayun nga, hindi ka superhero dude, at wag na wag mong susubukang lumipad. Ayan nung bata ako gusto kong lumipad na ganun, ‘no?, o kaya i-imagine meron din akong adamantine claws kagaya ni Wolverine, pero wala eh, hindi talga nag work eh. Now, hindi ka superhero dude, pero…, YOU CAN MAKE A DIFFERENCE IN OUR WORLD! Ang tanong…., Paano…?

So we have 5 tips for you para.., para sagutin ang tanong na yan…

Una, BELIEVE IN SOMETHING BIGGER THAN YOURSELF.

Ibig ko sabihin let’s put our IDEALISM to work. Alam nyo bilang mga kabataan gusto natin yung mundo natin maayos, nakikita natin ung mga mali, nakikita natin halimbawa yung mga.., ung mga pagkakmali ng ating mga parents, ung pagkakamali ng ating mga public officials, ng president, ng senador at kung sino-sino pa., and sometimes yung ating idealism nayan drives us to do something about it pero naguumpisa ang lahat ng iyan… in believing in something. Halimbawa na, if you become a leader in your organization, ibig sahihin naniniwala ka sa ginagawa ng organization mo.., if.., halimbawa na nag commit ka para mag donate ng dugo, or nagcommit ka bilang sunday school teacher, or nag commit ka bilang isang leader sa grupo ninyong mga kabataan, it means that, naniniwala ka duon sa nirerepresent ng organization mo. Yun kasing “Idealism”, lalong lalo na kapag bata kapa noh, para siyang nararamdaman mo siya.., na para kang in love, or parang, pag naniniwala ka na you can make a difference, alam mo ung feeling na gustong gusto mong gumawa ng something kahit hindi mo pa maintindihan kung ano yung something na yun, that is IDEALISM dude! Ngayon, wag na wag mong papatayin yang idealism nayan, lalong lalo na ngayon nasa kabataan ka pa, it will help power, it will help fuel your calling, yung magiging career mo in the future and so dude nag uumpisa ang lahat in believing in something.

Pangalawa, “COMMIT TO A CAUSE OR ADVOCACY”

Ibig ko sabihin, ah hindi sapat na mayroon kang pinaniniwalaan, hindi sapat na sinasabi mo “Yeah, I believe in world peace” hindi sapat na sinasabi mo na “I believe na mayroong ah, mayroong karapatan, mayroong tungkuling ang bawat kabataan sa ating kabataan” yan, o kaya if you believe na ang kabataan ang pagasa ng bayan. “BELIEVING IS DIFFERENT FROM DOING” Although, kagaya ng sabi natin kanina na nag uumpisa ang lahat sa belief, diba? Now, you need to COMMIT.., meron nga diba sa James, there’s a verse sa James na ang sabi “FAITH WITHOUT WORK IS DEAD” ibig sabihn, even if you belive, if wala ka naman ginagawa sa belief nayan.., sa faith nayan IT’S DEAD.., DEADO.., NUH-UH., NOTHING. So ito ung challenge sa atin, WE NEED TO COMMIT TO A CAUSE OR ADVOCACY! Minsan kapag bata ka, at meron ka, if you feel strongly about something.., minsan hindi natin alam kung paano siya i-channel diba? Kasi parang wala namang opportunity, halimbawa na, if you care for the environment tapos wala namang organization na.., na nagca-cater.., o kaya eh gumagawa ng something para sa environment diyan sa community ninyo o kaya sa school ninyo, minsan hindi mo alam kung paano iyon icha-channel noh, ung idealism mo.., but here is the thing, kailangan mong mag commit duon sa idealism mo na yun and start looking for ways na magawa mo siya.., at alam mo, here is the thing.., at alam mo ba, kung yung idealism mo nayan ay talagang nakatanim yan sa puso mo, one way or another, kapag nakita mo yung pagkakataon, you will do something.., lalabas at lalabas iyan, kasi kung ano yung nasa puso mo, yun yung lumalabas sa bunganga mo at yun din yung madalas mong iniisip. Ang problema kasi minsan, tayong mga kabataan, NAPAKARAMI nating DISTRACTIONS.., o diba.., uhhhm.., ano nalang.., Computer Games.., o kaya pakikipag Relasyon, parang kung wala kang borfriend o kaya kung wala ka girlfriend, parang you’re the biggest looser in the world, diba? You know, yang LOVE na nararamdaman ninyo if you channel it into other things at hindi lang dun sa opposite sex, you know what, you can do SOOO MANY THINGS…, napakarami nating potential bilang mga kabataan. Una, we have the energy, sometimes you don’t have the money but we also have the HEART.,, ngayon kung ang pinoproblema mo lagi ay yung relationship mo diyan sa boyfriend mo or yung relationship mo diyan sa girlfriend mo, dude, marami pang problema ang mundo and it’s just a matter of opening up our eyes and committing duon sa gusto nating baguhin.., kaya look for ways to COMMIT. Ang pag-aaral mga dude, hindi lang yan sa four corners of your classroom, hindi lang yan dun sa sinasabi ni Mam o ni Sir (although, that’s important too). Ang totoong pag-aaral, it’s being applied in the world around you, it’s being applied duon.., sa kung paano kang makitungo sa ibang tao, kung paano ka makitungo sa mundo mo.., at kung paano mo hahanapin ung place mo dito sa mundong ibabaw.., which brings us to our third tip..,

ADDRESS THE NEEDS OF THE WORLD (you need to start small).

Start small.., hindi naman kailangan agad agad na pag may idealism ka no, kailangan BONGA KAAGAD, o kaya ENGRANDE KAAGAD, NO, it doesn’s work that way. Lalong-lalo na kung kabataan ka, alamin mo ung limitasyon mo, pero alamin mo rin ung possibilities mo. Kumbaga sa ano yan, kumbaga sa baso, is it half full or is it half empty? (laugh ) parang ganun yun eh, medyo tricky kasi yun noh, but if you know your limitations, alam mo na pwedeng hanggang dun ka lang, but you also know na pwedeng-pwede mong higitan yun, given the right tools, given the right circumstances, and if you also know your…, and if you also know your capabilities, yung opportunities na nag o-open up sa iyo, napakalaking bagay nun! GRAB IT! Kahit na maliit pa man yan, halimbawa na it’s just a small role sa barangay ninyo, small role sa classrooms, small role sa isang organization ninyo, ACCEPT IT! Lahat ng bagay ay naguumpisa sa isang maliit, diba? Kagaya nga ng sabi ng isang popular jingle ng chocolate drink “GREAT THINGS START FROM SMALL BEGINNINGS”.., great things start from small beginnings. May isa pang quote na ganito naman ang sinasabi…, “ A JOURNEY OF A THOUSAND MILES STARTS WITH A SINGLE STEP” so kahit ung step mo ay baby steps, lahat naman tayo diba naging baby dati, hindi ka naman yung pag labas mo ditto sa mundong ibabaw eh malaki kana agad. One way or another, kapag yung heart mo or yung mind mo and yung actions mo came together, paunti-onti, whatever your start…, IT IS GOING TO GROW.

Pang-apat na tip.., CONNECT WITH A COMMUNITY.

Wag mong gagawin yun ng mag-isa ka lang, napakahirap kung gagawin mo yan, kung magkokomit ka ng mag isa ka lang, isipin mo kung ikaw lang na mag-isa ang magtatanim ng miss a isang ektaryang taniman.., siguro isang lingo na ang nakakaraan hindi mo pa matatapos yun, diba? Ngayon, imagine mo kung meron kang kasama, so imbes na isang linggo, magiging kalahating linggo nalang. Now, if you have say.., ten (10) people, o kaya one hundred (100) people na nagtutulungan together para lang matapos yung isang taniman, hindi bam as madali yung trabaho? At saka dude, may mga bagay talga na hindi mo talga na kayang mag-isa, halimbawa na, kung magbubuhat ka ng isang mabigat na refrigerator, try mong.., try mong buhatin ng mag-isa kung kaya mo, malamang hindi, diba? Now, kung meron kang IDEALISM, minsan ang tawag din diyan ay BURDEN.., at ang burden minsan sa tagalog ang tawag diyan ay PASANIN.., at ngayon yung pasanin nayan kung ikaw lang…, MABIGAT.., mabigat yan eh kung ikaw lang, pero kung meron kang KASAMA, mas MAGAAN, diba? So connect with the community, wag na wag mong gagawin yan ng mag-isa ka lang..,

And pang-lima.., TEACH OTHERS

Ibahagi mo naman, turuan mo rin yung iba.., uhhm, minsan, tayong mga kabataan, one of the things that we fail to do is to learn from our elders. Alam mo minsan tayo gusto natin, alamin ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng sarili nating pagdaranas. Well, wala namang masama kasi EXPERIENCE IS THE BEST TEACHER eka nga.., pero preferably it’s the EXPERIENCE OF OTHERS.., kasi meron ng, meron ng dumaan diyan sa experience nayan, e bakit mo pa uulitin kung alam mo na yung lesson na makukuha duon sa kanyang buhay o duon sa kanyang nagign mistake. Now, once na marami karin natutunan.., IT’S TIME TO TEACH IT TO OTHERS.., tanungin mo yung, tanungin mo ung mga teachers ang madalas na sabihin nila.., “THE MORE THEY TEACH IT, THE MORE THEY LEARN ABOUT IT”, kasi hindi sapat na, hindi sapat na alam mo lang, dapat alam na alam mo para by the time na ituturo mo sa iba, ung IDEALISM mo mas nagiging malalim ang pag-unawa mo duon sa issue na itinuturo mo, o diba? So, if you teach others.., you are actually teaching yourself MORE..,

Music: Batang-bata Ka Pa (by: Itchyworms)

Kahit hindi ka superhero, YOU CAN REALLY MAKE A DIFFERENCE dito sa ating mundo.., o i-recap lang natin ano.., BELIEVE IN SOMETHING BIGGER THAN YOURSELF, nag uumpisa tayo sa belief. Pangalawa, COMMIT TO A CAUSE OR ADVOCACY, hindi sapat na may belief dapat may AKSYON. Pangatlo, ADDRESS THE NEEDS OF THE WORLD, start small, hindi naman kailangan bigtime kaagad, diba? (pwedeng maliit muna tsaka natin palakihin). Pang-apat, CONNECT WITH THE COMMUNITY, wag kang solowista dude, kung banda yan, kailangan mo ng ibang tao, hindi mo kaya ng mag isa, connect with a community and panglima, TEACH OTHERS TOO, in that way, parang mas tinuturuan mo pa ang sarili mo to really learn and to really do more, diba? And, ito pa ung nakakatuwa ngayon since we are living in the 21st Century at napakarami ng tools at our disposal, the good thing is, andami na nating pwedeng gawin.., like, halimbawa na, there’s this small kid sa Canada, ang pangalan niya si Ryan Hreljac (parang mahirap bigkasin ung apelyido niya eh, ganito ung spelling H-R-E-L-J-A-C).., ahh, may one time na six (6) years old siya no, so may one time na yung teacher niya nag tuturo ng something about sa Africa, at ipinakita niya ung reality sa Africa na walang tubig, ah., grabe ung kahirapan, grabe ung famine, at grabeh din yung, grabeh din yung pinagdadaanan ng mga tao duon.., you know what, itong si Ryan na ano siya, talagang parang nasuntok yung puso niya, at hindi siya makatulog until he did something about it.., so, see?., he believed that he can do something.., at hindi siya nag stop dun sa believing na yon, si Ryan Hreljac, he started raising funds, una, kinausap niya yung parents niya, kinausap niya yung mga friends niya, until such time na nakapag-ipon sila ng pera at yung pera na un ginamit, ipinadala sa Africa para makapagpatayo ng isang poso.., para yung mga bata, yung mga tao doon eh mag karoon ng access sa malinis na tubig. Ngayon, ung Ryan’s Well, ang pangalan ng kanyang foundation, napakarami ng poso na itinayo sa Africa, hindi lang si Ryan Hreljac no hang, nakagawa ng ganyan, dito sa Pilipinas, si Jay Jaboneta dating, uhmm, staff ni President Noy Noy Aquino, sa kanyang presidential communications group, he also did a difference, he also made a difference, uhhm, itinayo niya ang Yellow Boats Foundation or Yellow Boats Organization at alam ninyo kung paanong nagumpisa iyon?, it’s started out with Facebook, ang sabi ni Jay Jaboneta nakita daw niya yung mga bata na, nasa Cagayan de Oro na lumalangoy pa, tumatawid ng ilog para lang makapasok sa school, so alam ninyo yung ginawa niya?, nag raised din siya ng funds (through facebook ah, take note) through facebook, grabe noh??? At ang nangyari bumili siya ng mga boats at ngayon yung mga bata, hindi na sila lumalangoy, ung boats na ang nagtatawid sa kanila para sila makapasok sa school.

It sounds simple, diba? As long as you keep your eyes open, as long as you believe and as long as you do something about it, naku dude.., NAPAKARAMING opportunities to HELP.., okay? So hindi ka superhero, hindi mo kailangan ng magic brief o kaya hindi mo kailangan ng magic barbell, hindi mo kailangan ng bato ni Darna, hindi mo kailangan ng Cape at hindi mo kailangan na lumilipad ka para ka lang makagawa ng mabuti sa mundong ito.., even if you’re young, even if you’re just a kid, YOU CAN MAKE A DIFFERENCE! yan, so kung meron kang tanong pwede kang magtext sa akin, ah.., magtext lang sa 0926-688-9902. Pwede karin makipagconnect sa akin through Facebook, punta ka lang sa facebook.com/pinoyyouth and if you are on twitter, ah, gamitin lang ang hush tag na pinoy youth and I will be able to receive that. Alam mo tol, ah.., gusting gusto kong makarinig sa iyo, how can you make a difference? i-share mo naman kung ano yung pwede mong gawin, kahit man lang ung mga simpleng bagay para lang you can make a difference in our world.., aantayin ko yung feedback mo ah. So muli, ito si Kuya Mighty para sa Generation Y Chronicles.., dahil ang buhay kabataan minsan madrama, minsan comedy, minsan hindi mo lang talaga maintindihan, kaya pag usapan natin tropa…, hanggang sa muli nating pagkikita.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*