#007 Bye Bye High School Life, What’s Next?

Here’s another episode of the Audio program for Filipino youth. Sa episode na to, makipagkwentuhan sa akin kasama si Ms. Earlie Pasion-Bautista at pag-uusapan natin ang pagpapaalam sa High School, at pag-aaral sa College.

Ms. Earlie Pasion-Bautista is presently the Publishing coordinator of Discipleship Resources Philippines of the United Methodist Church. She’s also the author of “Jollyboats: Journeying Through College” a book about going through College and prevailing against the odds.

episode7

Right click here to download the mp3.

Here’s the Transcript of our Podcast.

Generation Y Chronicles Episode No. 007

High School Life daw ang pinakamasayang part ng buhay. Pero ngayon na patapos na ang High School, ano na ang next?

Hey, Hey, Hey! Good evening mga katropa! Nagkasama-sama tayong muli. Naimbag a rabii! welcome sa isa na namang episode ng Generation Y Chronicles. Ako si Kuya Mighty at muli tayong magkakasama for the next 30 minutes ng kwentuhan tungkol sa buhay kabataan. Dito sa Gen Y Chronicles.

O, graduation blues na. Lalong-lalo na yung mga malapit nang matapos ang high school ano. Naalala ko tuloy nung patapos na rin ang High School ko. I was thinking about “hala, ano ba yan, magka-college na ako. Am I going away from my parents. Sa Manila ba ako mag-aaral. Or dito lang sa may State University sa probinsiya or… anong gagawin ko kung lalayo ako?”

Alam mo yun! there’s so many uncertainties no? Paano na lang yung mga relationships mo sa mga friends. O kaya yung girlfriend mo nung hihg school o kaya yung boyfriend mo while you’re still in high school di ba?

Well, I’m pretty sure, kayo mga papa-graduate na ng High School eh marami kayong mga iniintindi sa ngayon ano. Like anong kurso ang dapat kunin. Paano ba mag-aaral. Makakapag-aral ka ba in the first place?!

Tapos siempre, during your HIgh School eh marami talaga tayong mga memories na naitanim ano? Sa High School, diyan nagkakaroon ng mga first crush… Di ba?

Yung mga pinagpapakyutan mo mula nung first year ka.
High School din nagkakaroon ng mga first boyfriend, o kaya first girlfriend. At meron kang mga barkada. Meron kang mga kaibigan na talagang maituturing mo na friends for life. Mga BFF. Best friends forever, di ba?

Minsan, High School is also the time that we experience our first heartaches. Our first heartbreaks.

Kaya nga, punung-puno talaga ng adventure ang ating High School life. But it’s also the first steps that you take sa pagbuo ng mga pangarap. Kaya minsan, kahit medyo mahirap ang buhay, nararanasan natin yung joy, yung happiness na meron kang friends na nag-uumpisa kang tumakbo patungo dun sa mga pangarap mo.

At kaya nga for this week, ang ating pag-uusapan ay tungkol sa high School life. After High School, ano nang next. Kung gusto ninyong mag-react sa ating question of the week, puntahan lang ninyo ang ating Facebook page sa facebook.com/pinoyyouth or kung nasa twitter ka naman, gamitin ang hash tag na #PinoyYouth. and if you want to text your reactions, pwede mo ring itext ang mga reactions mo at mga questions mo sa akin, eto yung number: 09266889902.

SONG: Ambisyoso by Kamikazee

At para sagutin ang ating question of the week, we have a special guest today. Taga-Cauayan, Isabela po siya. But she graduated with a degree in Journalism from the University of Sto. Tomas. Sa ngayon, eh nagsisilbi siya bilang publishing coordinator ng Discipleship Resources Philippines ng United Methodist church. May isinulat rin siyang isang libro para sa mga katatapos lang ng High School at papasok na sa College. She’s also a good friend of mine. Ladies and gentlemen, please welcome Ms. Earlie Pasion-Bautista.

Mighty: Kumusta ka naman Earlie, welcome dito sa ating programa dito sa Generation Y Chronicles.

Earlie: Mabuti.

Mighty: Anong mga pinagkakaabalahan mo ngayon.

Earlie: Currently, tinatapos yung aking Master of Divinity thesis at iba pang requirements for graduation, so yun.

MIghty: Aba, Master in Divinity. Parang nakakanosebleed naman yang course mo.

Earlie: Hindi naman. Mga ano, nagpaka-banal.

Mighty: Ayun.

Earlie: May halo!

Mighty: Ano ba yan, eto ba yung tinatawag nilang nagsusunog ng kilay. May natira pa ba sa kilay mo?

Earlie: Ahh… Wala sinunog ko na lahat.

Mighty: Ayan, at ito nga, dun sa mga katropa nating nakikinig diyan. Ang pag-uusapan nga natin ngayon kasama si Ms. Earlie Pasion, si ate Earlie ay tungkol sa high school life. Ikaw ba, tama ba sa yo yun? Yung pinakamasaya yung High School life?

Earlie: Hindi! oo. Kasi, actually, may kasama ako dito ngayon. Tapos kaninang tinanong ko rin sa kanila kung totoo bang pinakamasaya ang high school life, talagang immediately, walang patumpik-tumpik: HINDI! Yun ang kanilang sagot, Oo

MIghty: Ibig sabihin niyan, yung mga… halimbawa, meron tayong mga tagapakinig ngayon na mga High School ano, kasi siempre, so far, yun pa lang ang nae-experience nila sa buhay. Anong taon ba ang mga gumagraduate sa High School ngayon? 15? 16? di ba?

Earlie: 15. 16.

Mighty: alam mo na mga naeexperience sa High School.

Earlie: Oh well. Pero mas maraming experiences later on.

Mighty: At, eto nga, yung mga High School na tagapakinig natin, lalo yung mga 4th year na gagraduate na. Or yung mga magfi-fifth year ano. Ngayon na matatapos na yung High School nila, sa tingin mo, ano ba yung mga dapat asahan ng mga High School graduates, after ng kanilang graduation?

Earlie: Pressure!

Mighty: Aba, talaga. Pressure! Parang with feelings pa yan ah. Pressure!

Earlie: Oo! With feelings talaga! Kasi for one, there will be pressured from their parents. Kung, you know… from their friends. Or from the community. Alam mo naman yung pag Pilipino. Pag grumaduate na ng High School, talagang tanong agad, magka-College ka ba? Anong kurso? Saan? Or kahit sa mga kaklase mo? tutuloy ka ba? Pwede ba tayong magkasama sa University? Yung mga ganun. Yung mga hindi makapagpaalam sa lovelife. Mga best friends, mga BFF, gusto nila hanggang college, magkakasama pa rin sila. There’s a lot of pressures that involve your family, your friends, and your community where you are. Dun sa school mo mismo. At lalo ka na kung teacher’s pet ka sa High School. Dun mo talaga mararamdaman na kailangan mong mag-move up dun sa mga expectations ng school mo.

Mighty: So, pressure. So ibig sabihin, nabanggit mo kanina yung relationships sa parents, saka sa friends no? Eh… How about naman dun sa academic part? Do you think mag-iiba yung kanilang mararanasan?

Earlie: Well, oo. Kasi, sa High School, based sa experience ko nung High School Life kasi, medyo bina-baby ka pa eh. Kung wala kang assignment o wala kang project, ifa-follow up ka pa ng teacher di ba? Oh ikaw, walang ganito, mag-fo-fourth grading period na, kelangan mong tapusin. Or minsan, pinapa-office pa yung mga parents ganyan, kasi minsan walang ganito yung anak nyo, hindi pumapasok, ganyan. Medyo baby ka pa talaga.

pagdating ng College, it’s really a different world. It seems to be like you’re on your own. Ibibigay lang yung requirements tapos bahala ka na if you will complete or not. Pag hindi mo kinomplete at the end of the semester, ang grade mo lang INComplete. Yung iba P and F lang ang grade: Pass or FAil.It would be a different world na hindi na katulad ng High School na meron ka pang pagkakataong bumawi kung bumagsak ka ng first grading, pwede mo pang bawiin ng 2nd, 3rd or 4th. Sa College, wala na. Midterms, Finals, ganun na lang yung usapin.

Mighty: Oo nga no. I think, tama. Yun yung isa sa mga pinaka-malaking difference. So ayun, eto nga, speaking of pressure, hindi ko alam kung nasubukan mo rin to, kasi nung College ko, Di ba, ako, taga-Isabela. Ikaw, taga-Isabela rin tapos nag-aral sa Maynila. Sa Quezon City, tapos may mga times talaga na di ba, wala pang… hindi pa ganun karami yung mga pwedeng pagpadalhan ng pera. Minsan sa bus lang nagpapadala yung parents o kaya sa ATM. Eh may mga times na nadedelay yung allowance.

Nasubukan mo ba yung ninenerbyos ka na: “Nakupo Lord, isang araw na lang tong allowance ko.”?

Earlie: Mura pa yung pamasahe nung ako yung nasa College, kuatro lang yung sa jeep eh. So kung may sampung piso ako dati, pwede na kong pumasok, basta wag ka lang kakain, may iuuwi pa akong Dos. Pero, totoo talaga kasi, naalala ko, minsan nagpapadala yung Mom ko ng isang karton ng gulay. Tapos ang una ko talagang hahanapin kung may sobrang laman.

Those are the things of the past. Naman Mighty. Tayo naman, medyo years ago na nga yung College. Eh yung ngayon medyo text na lang yung magulang. Tapos mamaya, nasa ATM na yung pera.

Mighty: Kung wala man, andaming pwedeng pagpadalhan na companies, di ba?

Earlie: Saka, mayaman naman minsan yung mga kaibigan eh, meron kang pwedeng mahiraman. Pero for most probinsyanos or pronbinsyanas who are going to the cities para magcollege, that’s one of the challenge din na kailangang harapin. To be really frugal. Hindi lang tipid. Kasi iba yung nagtitipid ka lang eh. Kailangan maging frugal ka din sa pera, sa allowance eh. Na I remember nagse-share pa kami ng brother ko before. Tapos talagang sa one week, kailangan isandaan lang yung load naming dalawa, parang ganun. So it’s really being frugal on how you allocate your budget, your allowance throughout the week, or throughout the month.

Mighty: So ayan, since napakarami ngang pressures yung kailangang harapin ng mga High School graduates na magka-College na, ngayon, actually, medyo napag-usapan na natin yung iba. Yung next na question ko naman, Paano ba dapat maghanda yung mga High School graduates para sa College?

Earlie: Well, for one, they have to have their Entrance examination, di ba? Or, at least man lang, clear yung kanilang isip kung ano talaga yung gusto nilang course. Kasi they will be wasting a lot of energy, time, and money if on their first semester eh iba ang inenroll, then after all, sasabihin, “Ay ayoko nito. Hindi pala ako masaya sa course na to. So mag-eenroll na lang uli ako ng iba pa.”

Your parents are investing on you, at sa mga ibang tao na working student, you would be exerting a lot of efforts if you do that. So at least, clear yung ganung pagtingin sa buhay na kahit High School ka pa lang, kahit 16 years old ka pa lang, alam mo kung anong gusto mong tahakin.

Mighty: Or, siguro. Ayun, malamang sa malamang, eh baka pwede silang Magna o saka Summa, di ba?

Earlie: Tama! Magna-Nine Years at Summa-Sampung Taon.

Mighty: well, siguro meron siguro akong work around diyan. Kasi, aminin din natin, minsan, yung mga college students, yung papasok sa College, I mean, mga bata pa talaga. And sometimes, we still don’t know kung ano talaga yung gusto mong gawin. So, may mga times, like in my case, Political Science ako. Tapos nung nag-3rd year na ko, I wanted to shift to Creative Writing. Pero there was something that held me back. Eto yung usapan namin sa parents ko, na I should be in College for only 4 years. Kumbaga, pumapasok din yung accountability, na nabanggit mo nga rin yung pressure sa relationship with the parents.

Saka, siempre, it’s always good to remember na yung mga parents natin, they’re investing in our future. So kung i-w-waste natin yung pera nila, sayang yung panahon natin, di ba?

Since maraming dapat paghandaan yung mga HIgh School graduates natin, ano naman sa tingin mo yung mga pitfalls and difficulties sa college?

Oh, and before you answer that… Sa mga tagapakinig natin, ito pong si Earlie ay meron po siyang isang book na isinulat na ang title nun ay “Jollyboats” at actually, ito’y mga kwento ng mga nag-College at grumaduate na sa College, at ikinukwento nila yung kanilang mga karanasan. At itong si Earlie ang nagcompile nung mga stories, at kumuha nung mga important lessons na dapat makuha doon sa buhay noong mga stories na yun.

So, ayan, Earlie, ano nga ba yung mga pitfalls?

Earlie: Well, one ay yung sinabi rin natin kanina na somehow, through sa journey sa College life ay dun pa lang nila talaga ma-establish yung kanilang gustong gawin sa buhay. So in the middle of it, medyo mashe-shake din talaga na “Ito ba talaga ang gusto kong tahakin,” so that’s one.

Tapos barkada. Maraming mga, hindi ko alam kung sa statistics ano. Sa general perception sa public na maraming napapabarkada during their college time. Bakit? Kasi that is their time when they are looking for intimacy at naestablish na nila unti-unti yung kanilang identity as a person beyond their parents, beyond their family. Gusto nila, meron silang sariling “Ako to!” at mostly yung barkada nila yung nakakatugon dun sa ganoong klase ng kaisipan. You know, “Birds of the same feather, flock together.” So, yun barkada. Piliin yung barkada talaga, marami kasi yung hindi masyadong maganda yung impluwensiya.

ONe of the difficulties din yung isa pang binabanggit natin na Hindi na kasi tayo finafollow up ng teachers natin. It’s not that they don’t care but they care, pero kasi yung procrastination, ang lakas, eh, Kasi andaming distractions. Especially with technology, when they open their computers, instead of searching for their requirements, nauuna talagang inoopen ang Facebook, at ang Twitter at kung anu-ano pa.

MIghty: Isama mo na rin dyan ang computer games. Uso ngayon yung DOTA di ba?

Earlie: Tama! hindi kasi ako natuto.. Pero yun talaga yun.

MIghty: Yeah. Natuto ako noon, kaya may time talaga na sumablay sablay din yung semester ko eh.

Earlie: Yan… Also yung balancing then yung buhay. Among academic commitments, yung organization sa school. Minsan, mas marami pang oras ang ginugugol sa org sa school kaysa sa acads. Sa pagbabalanse dun sa mga commitments, tapos siempre, dun sa family din… na hindi dapat nawawala.

Tapos, attitude, ayan! Depende kasi yung pagtingin ng mga kabataan eh, kung “eto ba ang gusto ko. Or nagpapaimpluwensiya ba ako sa mga tao sa paligid ko. Or ineestablish ko to para sa akin at sa pamilya ko.” Di ba? Those are some of the difficulties that they will expect. Maliban dun sa mataas ang tuition fee. Yung ibang university binabaha.

Mighty: Oo nga ano? Kailangan din nilang sumulong sa baha lalo kung sa Maynila sila mag-aaral. Nakupo!

Earlie: Tama! Uyy.. Pati Baguio binabaha na rin ngayon

Mighty: Oy, pati sa Tuguegarao di ba, may parts na ring binabaha doon. Buhay estudyante, magdala na rin kayo ng salbabida kung ayaw nyong lumusong.

Siguro, idagdag ko nalang, although nabanggit na rin kanina. Yung ding usapin ng relationships. Kasi, kakabit na rin sa paghahanap natin ng identity, paghahanap natin ng sarili natin, siempre kabataan tayo, nag-aaral tayo. Minsan, isa sa mga pitfalls, I think, alam mo yun, pag nagmahal, todo-todo. Tapos ibibigay ang lahat lahat. You know? So ang mangyayari, either nakakabuntis or nabubuntis. Tapos ayun hindi na nakakapagtuloy

Earlie: Tama!

Mighty: And, siempre, ang challenge talaga is how to maximize yung time nila sa College no? Sabi mo kanina, kailangan talaga balansehin yung pag-aaral, academic requirements and at the same time, matuto rin silang makisalamuha di ba?

Kaya yun. Sa inyo, sa mga tagapakinig natin na nasa High School pa, or may mga parents ng High School students na pa-graduate diyan, kailangan nyo talagang paghandaan ito. Hindi basta-basta ang pagka-College.

Earlie: For the ten key ingredients, ayan.. sa College life. Ang buhay ay parang papasok ka sa isang party at meron isang buffet table at ang pagka-College ay ang pagpili ng mga pagkain na ilalagay mo sa iyong plato na kayang-kaya mong ubusin within four or five years of your course. So ganun siya, inilagay at ang Jollyboats ay Journeying Through College, yan ang buong title nung libro, ay kasama katulad ng sinabi ng ating kuya Mighty ang sampung tao na nag-describe ng kanilang mga buhay sa buong College.

So, yung first is The Journey Begins, tapos yung Overwhelming Expectations. Then Landscaping–yung pagdedesign mo ng iyong buhay. Loving Your Craft, yung expectation na sana kung ano yung inenroll mo nung first year mo, yun din ang tatapusin mo.

Tapos yung Yearn for Lessons. Hindi pwedeng… Meron kasi tayong kaugalian minsan na kapag natapos na yung subject, itatapon mo na rin yung natutunan mo sa subject. At least, continue to learn.

Then to Balance Your Life, and also yung wholistic development ng isang individual. Hindi pwedeng puro acads lang. Yung sobrang nerd, you know… pero walang kakilala sa labas ng school, parang ganyan.

Then Overwhelming Struggles. Yung mga binanggit namin kanina–mga circumstances sa family, sa finances, sa society, natackle dun.

then Attitudes. Yun nga, kung ano ba talaga ang gagawin mo sa buhay, at yung attitude mo toward studying.

TApos, there’s also a section on Treasuring Relationships. Kung saan pinapakita kung paano natin papahalagahan, hindi lamang yung ating ka-lovelife, kundi yung friends, yung family, na tumutugon sa mga pangangailangan natin, not only finances, yung sinasabi ko ay need of company, need of friendship. Ganun din sa academic needs, yung ka-brainstorm mo, dapat pinapahalagahan mo yung mga taong yun.

The last one is Sail with a Community that would say that you are not alone in doing your college life, at kailangan mo yung buong komunidad na kinagagalawan mo. Kung masama man ang komunidad na yun sa iyong pagtingin, kelangan mong ma-overcome yung ganung klase ng pakikisalamuha sa maraming tao.

So that’s the actually the whole book.

Mighty: Mukhang napakainteresting ano. And I think na magbebenefit talaga yung mga HIgh School graduates natin dito sa book na to. Well, at siempre nandun yung kwento ko. Pero hindi yun ang dahilan kaya gusto kong irecommend ano. So, Earlie, yung mga tagapakinig natin, gustong makakuha ng book na to, saan sila pwedeng makipag-ugnayan?

Earlie: Makipag-ugnayan sila sa akin, siguro, mabuti na ipost mo din yung contact information ko later at pwede din silang magpunta sa Philippine Christian Bookstore, it’s available sa lahat ng branches sa buong bansa, at sa aming office sa 900 UN Avenue, Ermita, Manila. Nasa 2nd floor na yung aming opisina ngayon with our showroom, bagong-bago. Prinomote pa talaga yung opisina.

Mighty: At kung gusto ninyong makakuha mga katropa ng kopya ng book na yun, actually, hindi lang siya para sa mga High School Graduates, if you’re still going through college ngayon, I think na you will benefit greatly dun sa mga reflections at insights na nandun sa librong yun. And if you want a copy, send me a message via Facebook.

Maraming salamat Earlie sa pagpapaunlak mo sa interview dito sa GenY Chronicles. Kagaya ng napagkwentuhan natin ngayon, lahat naman ng nag-uumpisa kelangang matapos, kaya kung nag-first year ka sa High School, kelangan mong mag-graduate, alangan namang 4th or 5th year ka forever, di ba?

Saan ka man mag-aral sa College, o anuman ang gagawin mo kung hindi ka makakapagtuloy, don’t forget to dream! And don’t forget to focus on your dreams!

So ngayon na patapos na ang High School, be open for something new, something interesting! Some new experiences, I’m sure marami kayong matututunan sa buhay, kagaya ko.

Ito si Kuya mIghty para sa Generation Y Chronicles. Dahil ang buhay kabataan, minsan madrama, minsan comedy, minsan hindi mo lang talaga maintindihan. Kaya pag-usapan natin katropa hanggang sa muli nating pagkikita.

Ang programang ito ay hatid sa inyo ng Young Peoples MInistries ng United Methodist church at ng himpilang ito.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*