#005 Ten Life Lessons After College Graduation

Hi everyone! Kumusta na kayong lahat. It’s March, so that means we’re covering topics related to graduation. In this episode, I talk about 10 life lessons learned after College Graduation.

Here are the 10 lessons learned:

1. Grades matter… but not by much.

2. Education doesn’t stop after graduation.

3. The richest people in the world don’t even have a college degree.

4. Your college degree is useless, sometimes.

5. There’s so much I need to learn.

6.  Friends can help you survive

7. The best way to find a job is through referrals from friends.

8. Job security is a myth.

9. Freelancing works!

10. Your idealism will come under serious challenge when the bills start piling up

Songs played in this episode:

Mangarap Ka by After Image

Blue Jeans by Rocksteddy

episode5

Here’s the Transcript of this episode.

Generation Y Chronicles Episode no.5

Kung ga-graduate ka na ng College ngayon, ano ang mga dapat mong isaalang-alang sa pagharap mo sa isang bagong yugto ng iyong buhay?

Hey, hey, hey, wazzup, wazzup mga tropa? Naimbag a rabii kadakayo amin. Muli, ito na naman si kuya Mighty, kasama ninyo sa next 30 minutes dito sa ating programa, Generation Y Chronicles. Well, siguro may hangover pa kayo sa February ano? Kasi puro love angpinag-usapan natin noong nakaraang buwan.

Since it’s March already, at I’m sure marami sa inyo mga ga-graduate na sa high school at saka sa kolehiyo. Graduation talaga, it’s a time of celebration. It’s a time of joy. Kasi, for the high school na ga-graduate, you’re entering a new stage of your life. Ganyan din naman yung mga ga-graduate sa College ano. Kasi natapos na ang mga sakripisyo ninyo, or rather, matatapos na ang mga sakripisyo ninyo at, matatapos na rin ang mga sakripisyo ng mga magulang ninyo. Kaya lang, since March pa lang ngayon, I’m sure marami pa kayong mga papers na kailangang gawin, marami pa kayong mga exams na kailangang pagdaanan.

Don’t give up! Malapit na yan, wag kayong mag-alala. Before you know it, it will all be over! Kaya nga, wag na wag kayong mapapagod, kung nandiyan na yung finish line, just keep at it. Matatapos din yan dude!

And isa pang importanteng bagay na dapat nating malaman sa March, since mainit ang panahon ngayon, alam natin na March is Fire Prevention Month. Ibig sabihin mga tropa, bawal maglaro ng apoy. I’m sure naman dahil mainit na, eh marami sa inyo hindi na maglalaro ng apoy. Unless of course, it’s a different “apoy” that we’re talking about. But well, pinag-usapan na natin yan noong nakaraang buwan. Andami nating episodes na dedicated sa love. So I’m sure napurga na kayo diyan. And I’m hoping na meron naman kayong napulot dun sa mga pinag-usapan natin nitong mga nakaraang episodes. And kung gusto ninyong balikan ang ating mga past episodes, don’t worry they are all saved and available for download online. Puntahan lang ninyo ang PinoyYouth.org/GenerationY. Wag na wag na rin ninyong i-like ang ating Facebook page: facebook.com/pinoyyouth. At kung nasa Twitter naman kayo, gamitin lang ang hash tag na PinoyYouth. Pwede ka rin mag-text sa akin. Just send a text message to 09266889902. Wag mo lang kalimutang magpakilala okay para mareplayan kita nang maayos.

Eto no, para sa episode natin ngayon, I’m trying out something new. Instead of posing a question of the week. Ngayon naman I’m gonna share with you some of the lessons that I’ve learned since grumaduate ako from College.

SONG: Mangarap Ka by After Image

Well, kailan ba ko grumaduate? Medyo matagal-tagal na eh. That was back in 2003. About, wow ten years ago na pala yun. Akalain mo. Gusto ko na ring i-congratulate yung mga running for cum laude diyan. Yung mga magna cum laude, yung mga Summa cum Laude. Job well done mga dude, ang galing nyo! May lahi ba kayong Android o kaya may nakaimplant ba na mga chips dyan sa utak nyo? Hindi madali yan ah!

Naalala ko tuloy ang sarili kong graduation back in April 2003, andun kami sa likod ng oblation sa UP Diliman. Bago mag-start yung program, meron akong isang kaibigan na nakakita sa akin. Ang sabi niya: “Hey Mighty, kumusta?” Sabi ko naman, “Well eto, okay naman. Ga-graduate na finally.” Eto ba naman yung tanong niya sa akin: “Ano kumusta, cum laude ka ba?” Tumawa lang ako, sabi ko, “hahahah.” Siempre tumawa lang ako, sabi ko: “Ha? ako cum laude? Hindi no!” Eto nabigla ako sa sinabi niya: “Eto talaga kung ginusto mo naman kaya mo naman.”

Alam mo yung feeling na para kang sinampal sa mukha? The thing is, she’s right! Na kung tutuusin, if I look back to my college years, alam ko na kinaya ko naman sana, kung talagang sineryoso ko. But, tapos na yun… Sabihin na natin na meron akong mga pagkakamali nung college, but ang consolation ko na lang dun, within four years eh natapos ako sa College, hindi ako nag-extend. At least hindi ako naging Suma: Sumasampung taon. Hindi rin ako naging Magna: Magna-nine years. Well, kung ikaw yan, dude, tapusin mo na. Para naman hanggang sampung taon lang ang limit mo no? Kawawa naman yung mga parents, kelangan na nilang tumigil sa pagbabayad ng tuition fee.

At eto nga, for this episode, I’m sharing with you ten lessons that I learned since college graduation. Eto, let’s start with the first one.

Grades matter… but not by much.

Anong ibig kong sabihin diyan? Well, mahalaga ang grades, but it’s not everything. Noong ako ang college, nagkaroon ako ng mindset na… eto wag nyong gagayahin, ang tres eh okay na. But you know what, if I can turn back time, sana I should have aimed for 1s, 2s, no… 1s or 1 point something. At mahalaga ang grades, I’m pretty sure of that. Especially if, halimbawa, naging cum laude ka or nagkaroon ka ng honors. But it’s not everything.

Ang mahalaga lang na tandaan natin, your grades will give you an initial advantage kung magtatrabaho na kayo. Why? Kasi, kapag nagtrabaho ka, isa sa mga isa-submit mo sa mga prospective employers mo eh yung Transcript of Records. Kung ang makikita ng magiging employer mo eh puro mga palakol, mga 70s na grade, o kaya mga singko, singko, napakaraming INCs, napakaraming tres o lower. Dude, baka mahirapan ka magkaroon ng trabaho niyan. But after that first year, yung importance ng grades, mawawala na. Kung nagkaroon ka man ng mga pagkakamali nung college, wag kang mag-alala. If you really strive to become a better employee, malaking plus factor yan.

Second na lesson: Education doesn’t stop after graduation.

Para sa napakaraming mga college students, o kaya college graduates, parang ang sabi nila no, “yay, graduation na! Wala na akong term papers, hindi ko na kailangan magbasa ng makakapal na readings. Hindi ko na kailangan magsubmit ng term papers. Wala na!” You’re wrong. Formal education stops but your learning continues! Kasi kung magiging empleyado ka o kaya magiging businessman ka, you’re always learning. Sabihin na nating hindi libro ang binubuklat mo. Ang bubuklatin mo na eh yung buhay ng mga tao, yung experiences mo, yung pakikisalamuha sa iba. Yung kung anong magiging trabaho mo. And if you keep learning, kelangan mag-develop ka ng additional skills.

Iyan kasi ang problema minsan kung diploma lang ang pinanghahawakan mo. Tandaan nyo mga tropa, ang career ay parang eroplano. If it stops moving, babagsak na yan sa lupa. Matapos man ang graduation mo, tandaan mo dude, ang pag-aaral ay isang lifelong process.

Ito yung pangatlo. The richest people in the world don’t even have a college degree.

O sino yung mga kilala ninyong mayayaman sa mundo. Siempre si Steve Jobs, yung founder ng Apple. Si Bill Gates, yung founder ng Microsoft. Sa Pilipinas naman si Henry Sy, yung may-ari ng SM. Saka si John Gokongwei Jr. Yung may-ari ng Universal Robina, Robinsons Malls at kung anu-ano pa. What do they have in common. Karamihan sa kanila, wala silang college degrees. Si Steve Jobs saka si Bill Gates nga mga dropouts eh. Yung founder ng Facebook na si Mark Zuckerberg, tropa, hindi rin yun nagtapos ng college. Isipin mo yun?

Eh ganun naman pala eh, bakit kelangan pa nating mag-College?

Well, the thing about them is, they found their passion and their skills. Ibig kong sabihin, even nung nasa College pa sila, ginagawa na nila yung gusto nilang gawin sa buhay. Like si Bill Gates at saka si Steve Jobs, they were already building software and hardware ng computers. So nung nakita nila na wala nang value yung college sa kanila, eh di nagdropout na at inumpisahan na nila ang kanilang company. Now, if you have that kind of skills, o eh sige go ahead, magdrop out ka na. But if we are “normal, ordinary beings” eh kelangan pa rin natin ng college degrees. At least meron tayong tinatawag na safety net.

Ikaapat: Your college degree is useless, sometimes.

Hindi naman all of the time. May mga times kasi na yung pinag-aralan mo, hindi ka sigurado kung yun talaga ang magiging trabaho mo. Isipin nyo na lang, ako I was a Political Science graduate. Pero nasaan ako ngayon? Well, I’m doing youth ministry, meron akong radio program. Gumagawa rin ako ng websites on the side. Eto lang naman yan tropa, minsan hindi yung mismong degree mo ang mahalaga, kundi yung skills na natutunan mo. Yung network na naipon mo noong ikaw ay nag-College at nung pagkatapos of course. Kasi, sometimes, yung degree mo will change. Yung mga interes mong pag-aralan will change. And even yung magiging trabaho mo after ng college graduation, hindi sigurado na related sa course mo yung pinag-aralan mo.

Panglima: There’s so much I need to learn.

And I hope na ganyan din ang maging attitude nyo. To always be interested to learn. Ako kasi ang primary way ko to learn is to read, and to interact with people. So kung minsan meron akong mga ideas, I talk with like-minded people tapos palitan lang kami ng ideas. usap-usap, kwento-kwento. Maya-maya saan na napunta yung usapan namin. In the same way, kayo din, I really hope na yung interes ninyo to learn will always be tehre. Lalong lalo na sa panahon natin ngayon na napakabilis magbago ng technology. Napakaraming ini-introduce na bago. If you develop yung parang child-like curiosity, naku, hinding hindi ka magiging outdated, magiging obsolete!

Eto, isa pang lesson na napakahalaga: Friends can help you survive.

Yung isa sa mga mahahalagang contribution ng mga friends sa ating buhay, eh meron tayong kakwentuhan di ba? Isipin mo kung wala kang mapagkwentuhan. Kung malungkot ka o kaya masaya ka, eh wala ka namang makwentuhan? Eh di ba, ang lonely nun? And so, minsan wala ka naman talagang kailangan sa kaibigan mo di ba? It’s just that you love being with each other. Alam mo yung tipong, o eto… yung mga kaibigan nyo, magkatinginan lang kayo eh mangingiti, matatawa na. Parang nababasa mo na yung ibig sabihin ng isat’ isa. There’s that kind of connection that can help you survive life. Pag kasi nag-umpisa na kayong magtrabaho, stressful. Yung tipong alas otso ng umaga nasa office ka na hanggang alas singko ng hapon. Tapos mag-oovertime ka pa. Eh di ba, pag papasok ka pa lang, lalong lalo na yung mga nasa Maynila, ano. Kung nakita ninyo yung mga pila sa mga tren, sa MRT, sa LRT, o kaya yung traffic sa bus, o kaya yung may mga sariling sasakyan. Naku, grabe! Bago ka pumasok, stressed ka na! How much more di ba? Pagkarating mo sa opisina. Kaya yung mga kaibigan nyo ngayong college, wag nyo silang kalimutan tropa, may silbi yang mga yan.

Siguro yung ibang mga kaklase ninyo, nagpapatulong sa term paper. Minsan nangongopya ng assignment. But you know, meron silang lugar sa puso at sa buhay. di ba? Kaya yan, always take care of your friends. Mahalaga din ang barkada, mahalaga din ang friends.

SONG: Blue Jeans by Rocksteddy

Pinag-uusapan natin ngayon ano… eto special episode para sa mga ga-graduate sa college. And from my own experience, I am sharing with you ten lessons that I learned since College graduation. At yung una nga po, it’s that grades do matter but not by much. Yung pangalawa, your education doesn’t stop after graduation. Pangatlo, the richest people don’t even have a college degree. Number four: your college degree is useless, sometimes. Panglima: there’s so much I need to learn. At eto yung pang-anim: friends can help you survive life.

Pampito: The best way to find a job is through referrals from friends.

Kapag naghahanap tayo ng trabaho, ang pinakamadali nating puntahan eh yung mga website na nag-ooffer ng work, di ba? Pero you know what, still the best way to find a job eh hanapin ninyo yung mga kaibigan ninyo, mga acquaintances ninyo, mga barkada ninyo na nagtatrabaho na at related sa gusto mong trabaho yung ginagawa na nila. In my experience, after nung first job ko, mga kaibigan ko na yung nagpasok sa akin sa trabaho. My first job was to be a High School english teacher sa Eveland Christian College sa San Mateo, Isabela. But when I decided to go back to Manila, nagtanong tanong ako sa mga friends ko kung saan ako pwedeng pumasok. Yung isang friend ko, sinabihan niya yung isang friend niya na naghahanap yung company nila ng mga customer service agents. So ang nangyari, dun ako nag-apply, nirecommend ako. Yung third job ko, naglalakad lang ako sa may bandang Cubao. Nakita ko yung isa kong friend sa Methodist youth, si Alpha, tapos natanong niya ako “Kuya naghahanap ka ba ng work? Or meron kang kilalang naghahanap ng work? Kasi yung company naman ay naghahanap.” So ayun, kinuha ko yung number niya, saka yung email sinend ko yung resume ko. And after about a month, yun, lumipat na ko ng work. It’s that simple. Kaya yung mga barkada nyong mga yan, lalo yung mga masisipag at may mga pangarap, sila yung pwedeng makatulong sa inyo sa paghahanap ng trabaho.

Number 8: Job security is a myth.

Yung mga parents natin at siguro yung mga lolo at lola natin, ang naging tendency nila eh kung ano yung unang trabaho nila, yun din yung trabaho nila noong magreretire na sila. Well, I believe sa generation natin, that’s no longer the case. Bakit? Well, tingnan nyo na lang sa mga cities, lalo na sa mga call centers. Napakaraming mga kabataan ngayon yung palipat lipat ng trabaho, yung tipong after one year, after two years, lumilipat ng work. After three years, lumilipat ng work. Kasi naghahanap ng excitement. ng something to help them grow. Naghahanap ng siempre, better pay, or better salary or better benefits. Kaya wala na talagang job security. Ang mahalaga lang it’s for us to know kung ano talagang gusto nating gawin and to stick with what we want to do, kapag nahanap na natin yung gusto nating gawin.

Number 9. Freelancing works!

isa pa sa mga features ng contemporary na buhay natin, it’s the presence of the Internet and the Web. At alam nyo, hindi lang pang-FAcebook, hindi lang pang-email at pang-Friendster, meron pa bang gumagamit nun? yung Web! Yung Internet! You know what? You can also make money over the Internet. Nung year 2006 to 2009., roughly, nung nagresign ako sa work ko so I can serve as full time sa Methodist youth ano. ang nag-sustain sa akin eh yung mga raket ko online. So natuto akong magblog. Natuto akong magsulat. Well, dati pa naman akong nagsusulat. But, I learned na meron palang mga writing opportunities online. So, anong ginawa ko? Pinatulan ko nang pinatulan yung mga yun. Until such time na naging okay, sumasahod ako. And at the same time, nasustain ko yung sarili ko at yung naging ministry ko. so, if you have Internet access at home at ayaw nyo pa talagang mag-work, i-try nyo lang. Freelancing works!

And pang-sampu. Your idealism will come under serious challenge when the bills start piling up.

Kapag kabataan tayo, punong-puno tayo ng idealism. Gusto nating baguhin yung mundo. However, kapag nag-umpisa na na dumating yung mga kailangan mong bayaran, yung mga kailangan mong suportahan yung magulang mo, yung kapatid mo, minsan namamatay yung idealism. And that’s the sad truth. But, it doesn’t have to be that way. What I realized is kung yung idealism mo ay talagang nandoon, para maging mature ka din at yung idealism mo, you need to experience the realities of life. Ngayon, kung maggi-give up ka nang agad-agad, eh nasasayo na yan. But as a young person, as a young professional to be, pagkagraduate mo, ang mahalagang gawin mo ay alagaan yung sense of idealism, na ang buhay ay hindi lang tungkol sa paghahanap ng pera, ng paghahanapbuhay… ay hindi paghahanap pera kundi paghahanap-buhay. Kasi, ikaw bilang tao, buhay ka! Ibig sabihin, you care about many things in your life. You care about other people. You care about our country, you care about your love for God.

so eto ano, eto yung mga sampung lessons na natutunan ko na since I graduated from College.

Eh ikaw tropa? Ano naman ang masasabi mo? Ishare mo naman ang sagot mo sa tanong na to: “Ano ang vision mo para sa sarili mo pagkatapos ng graduation?”

Madali lang. Punta ka lang sa Facebook.com/PinoyYouth; O kung nasa Twitter ka naman gamitin ang hash tag na #PinoyYouth. Pwede mo ring itext ang sagot mo sa number na to: 09266889902.

Sa susunod na episode, pag-uusapan natin ang Ten More Lessons pagkatapos ng graduation. So, we’ll talk more about college graduation, ano yung dapat mong paghandaan. Ano yung mga dapat mong gawin.

Muli ito si Kuya Mighty para sa Generation Y Chronicles. Dahil ang buhay kabataan, minsan madrama, minsan comedy, minsan hindi mo lang talaga maintindihan. Kaya pag-usapan natin tropa, hanggang sa muli nating pagkikita.

Ang programang ito ay hatid sa inyo ng Young People’s Ministries ng United Methodist Church at ng himpilang ito.

1 Comment

  1. Tama ang mga sinabi mo sa podcast. add ko na rin sa mga fresh grad na magtatrabaho ay try to focus on gaining experience not the money first especially if you don’t have someone to support.

    kasi your work experience can be the direction of your career. May jobs na magkakaiba pero magkakadugtong. Like in Media if you new most likely you;ll start as Production Assistant or editorial assistant. Mababa halos ang sahod ng mga yan pero if you perform well kung ‘di ka man ma-promote makakahanap ka ng ibang company na will hire you na may better na salary offer. pataas na ng pataas. mahirap na kasi mamili halos sa bagay na gusto mo talaga then hindi mo na magawa kasi ganito na yung mga naging work mo at malayo yung salary. Pero nasa job hunter pa rin naman yan kung ano ang motivation nya.

    mabuhay!

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*