#004 – How to Guard Your Heart

Another week has gone by and here’s another episode of the GenY Chronicles podcast. In this episode, kahit medyo sinisipon, I talk about some ways for us, young people, to guard our hearts.

Eto yung ilan sa mga highlights sa podcast:

* Ito ang mga consequences kung hindi mo iingatan ang heart mo:
– Pain & Frustration
– Pregnancy na wala sa oras
– Poverty
– Price to pay.

* Here’s how to guard your heart:
– Parents, be accountable to them.
– Plans and dreams, know your priorities.
– Prize to win.

episode4

Image credit: http://www.sxc.hu/photo/1402529

Right click to download the mp3.

Transcript of Generation Y Chronicles Episode No. 4

Mapupusok daw ang mga kabataan ngayon. Madaling mainlove, madali ring masaktan. Bilang kabataan, how can you take care of your heart?

Good evening mga katropa. Wazzup wazzup? Nagkasama-sama na naman tayong muli. Naimbag a rabii, kakabsat ken gagayyem.

Welcome sa isa na namang episode ng Generation Y Chronicles. Ito si kuya Mighty at magkakasama na naman tayo sa susunod na 30 minutes at magkukwentuhan tayo tungkol sa buhay kabataan dito sa Generation Y Chronicles.

So, eto na nga, last Monday of February, patapos na ang love month. So, well… baka napapagod na kayong pag-usapan ang lovelife ano at ang tungkol sa love. Eh kasi naman, sa ating mga kabataan ang love talaga ang pinkapatok na usapan. Tingnan mo nalang yung mga madalas itext sayo. O kaya yung mga Facebook status ng mga friends mo. Meron bang mga Bitter Ocampo diyan. O kaya hanggang ngayon eh naghihintay pa rin ng “The One”.

Alam nyo, may isang website na dedicated sa mga kabataan ngayon, ano. Ang gustong mangyari ng website na to is for young people to wait. Wag magpadalus-dalos. At ang website na to ay www.WagMuna.com Ito ay ministry website ng True Love Waits.

Pero sabi nila, yung mga medyo malapit nang mawala sa kalendaryo ang edad, eh hindi na raw bagay ang Wag Muna. Gusto daw nila Lord-Now-Na.com. Actually, wala pang gumagawa ng website na yan. So kung gumagawa kayo ng website baka gusto nyong gawin yan ano? Para dun sa mga medyo desperate na.

Saka may special prayer daw yung mga talagang gustong-gusto nang magkaroon ng karelasyon. Speaking in tongues pa nga daw eh. Ganto raw sila magpray: “Shanaba, shanaba, shanaba, shanaba.”

Well, hindi ko yan ginawa para sa misis ko. Ah, before naging kami, we were both serving sa United Methodist youth bilang mga leaders and well, one thing led to another, and eventually we ended up together.

Well, kahit patapos na ang love month, ang February, hindi ibig sabihin, tapos na ang LOVE. Pag-uusapan pa rin natin yan several times along the way, ano?

Well, for this episode, pag-uusapan natin ngayon yung mga ways on how to take care of your heart. Kasi nga, marami tayong mga mistakes pagdating sa love. Kasi nga, padalus-dalos tayo minsan. Gusto natin minamadali ang lahat. Gusto natin, lagi tayong full of love. Lahat ng tinetext natin, there’s something about love or minsan sa pagpapadalus-dalos natin, nagiging bitter tayo, kasi hindi tayo makarecover kung yung inaasahan nating pagpapakita ng love eh hindi masuklian yung ibinibigay nating love.

We are capping off the month of love with this episode: taking care of your heart.

At ang ating question of the week ay: Bilang kabataan, how can you take care of your heart?

SONG: My Heart by Paramore.

Tinanong ko yung mga Facebook friends natin tungkol sa tanong na ‘to: bilang kabataan, how can you take care of your heart. At ito nga yung kanilang mga sagot.

Ayon kay kuya Caloy Dino, sabi niya: mag-jogging at magkaroon ng regular cardio checkup and take your maintenance every day. Tama nga naman, lalong-lalo na siguro sa may mga High Blood o kung anu-anong sakit ano. Kelangan talaga ingatan ang heart.

Sabi naman ni Kuya Jeremiah Dalida. Eto mahaba-haba ito. Sabi niya: “Para sa mga kabataan, to guard your heart, una, be observant and watchful sa mga buhay na nauna na sa atin. Huwag tularan ang mga pagkakamali ng iba. At gayahin lang ang paraan nila kung paano naman sila nagtagumpay. Secondly, listen to the advice of your parents, honor them also. Parents know best pa din talaga. Third, ipag-pray ang lovelife. Ask God through prayers and by reading his word, tiyak di ka magkakamali.”

Iyan, actually, pwede ka naman magkamali, even if you pray about it, even if you, say, even if you try to become wise in your lovelife, there will be times na magkakamali ka. But, praying about it and asking God’s guidance on your lovelife. At least, you will be guarded, no? Kasi, you know that God is watching over you.

Eto naman ang sabi ni Agnes Birondo: “Faith! Nothing else stronger or more powerful can keep your heart protected from the ills of this world. If you know what you believe in, then you can make wise choices. It’s not always easy of course, but the right way is always the safe way.”

Minsan kasi tayong kabataan no, we feel na, what’s the easiest way is the right way. O kaya what feels good is the right way. But actually, the safest way is the right way.

Now, if you want to give your two cents. Dalawang sentimos. Yung ideas naman ninyo, pwedeng pwede, just logon to our Facebook book: sa facebook.com/pinoyyouth o kaya you can also tweet us, gamitin lang ang hastag na #Pinoyyouth.   And if you missed any of our previous episodes, huwag kayong mag-alala mga tropa, pwede ninyong i-download ang ating past episodes, just go to PinoyYouth.org/GenerationY. Pwede nyong idownload ang mga past episodes natin.

Pwede ka ring magtext sa akin, just don’t forget to state your name and kung saan ka nanggaling. Eto yung number ko 09266889902.

At ayan, mag-iisang buwan na nga pala tayo sa airwaves no? This is our fourth episode so far. Wow! Nakaisang buwan na tayo mga tropa. Gusto ko lang pasalamatan ang Far East Broadcasting Company. Ang partner ng Young People’s Ministries para ihatid sa inyo ang programang ito. Siempre, pinasasalamatan din natin ang 1143 DZMR, Santiago City under the leadership of Kuya Em and Ate Miriam Perez. Salamat din sa 107.9 CareFM under sa leadership ng kaibigan ko: si Kuya Ernani or Nhotz Celzo. At siempre ang TruthonAir.com ayan isa pang kaibigan ko si Robert Cipriano. May God bless your ministries more and more.

Eto nga! Kung nung last episode, pinag-usapan natin yung mga common mistakes ng mga kabataan pagdating sa sa love, but for this episode, ang pag-uusapan naman natin ngayon eh paano mo nga ba iingatan ang heart mo bilang isang kabataan.

But first, ang titingnan natin ditto is, kung hindi mo iningatan ang heart mo, anong mangyayari?

Una, Pain and frustration.

Pain! Siempre hindi naman basta-basta yung manligaw o kaya maligawan. Kasi you invest time, you invest money. Siempre, saan ka kukuha ng pang-text mo diba? Minsan nga hinihingi pa natin sa parents natin kahit yung pan-text o kaya yung pang-date. Siguro, di ka na lang magmemerienda muna para lang meron kang pang-date. O kaya, kahit na limang kilometro ang layo ng boarding house mo papunta sa school, maglalakad ka na lang para makatipid ng sampung piso.

O kaya yung pansit na bibilhin mo na mga worth… magkano na ba ang pansit diyan sa inyo ngayon? Fifteen pesos per serving. 20 pesos? 35? Isipin mo, sampung serving ng pansit ang ise-save mo o hindi mo kakainin, that would be what? 200 hanggang 350. Uy, pwedeng pwede nang pang-date di ba? Although kung nasa Metro Manila, kulang na kulang pa yun. Kung gusto mong magsine nga eh 200 na yata ang isang tao.

But you see, kung mag-iinvest ka sa lovelife mo, kekelanganin mo talaga ng money at time.

Let’s just say na nabuntis ka or nakabuntis ka kasi nga hindi mo iningatan ang heart mo, diba? Imagine the frustration sa parents mo, sa friends mo, o kaya yung mga nagpapaaral sa yo, di ba?

Imbes na umaasa sila na in the future magiging successful ka, magkakaroon ka ng pagkakataon na maimprove ang buhay mo, but because hindi mo iningatan ang heart mo, nadapa ka, and what happened? Yung mga potential mo for the future eh mawawala na lang, di ba?

At eto pa yung isang malala diyan. Minsan, merong mga kabataan na hindi ma-take yung emotional pain, they are actually thinking of suicide. Nagiging suicidal ano? Eto yung isang nakakalungkot na fact, yung pinsan ko, I think because of some relationship problems, he committed suicide, noong, siguro about a month ago. Nakakalungkot kasi he’s very young, and he’s actually good looking, ha?

Pero yun, alam nyo, tayong mga kabataan, minsan emotional tayo. Kung paglalaruan ninyo ang heart nyo, you never know what’s going to happen.

And well, if you are already feeling emotional. At medyo nakakapag-isip na kayo ng kung anu-ano, talk to somebody. At kung wala kayong makausap, mag-text kayo sa hotline natin. And I believe, we can refer you to someone who can help you out. Okay?

So the first one is pain and frustration. The second one is Pregnancy na wala sa oras!

Wow. Ilang beses na rin nating nabanggit no in the past episode. You know, andaming mga teenagers ngayon ang nabubuntis. And in the past ten years, alam nyo kung gaano kalaki ang pagtaas ng teenager pregnancy rate dito sa Philippines. It’s 70%! So kung halimbawa, noong mga bandang year 2003, mga 10 ang nabubuntis na mga teenagers no? After ten years, yung 10 na yun, umakyat ng 70%. Ibig sabihin, yung sampu noon, naging 17 ngayon.

So imagine ano? Ang taas niyan. At isa pa, you can argue na meron namang mga contraception like condoms, at siguro may mga kabataan tayong gumagamit niyan. Meron din namang pills no. Pero if you’re young and yung tinatawag nating mga hormones ay raging, you know. Like, maya’t maya may boyfriend si ate. Mayat’ maya, may girlfriend si kuya. Tapos, you know, kagaya ng sabi ni Kuya Ronald last episode, hindi lang emotional ang pagmamahal. Kasama ang katawan, kasama ang physical aspect diyan. At, if you awaken love early on, hindi mo maiiwasan na yung mga desires natin, yung mga sexual desires natin will also be awakened.

Now, lalong-lalo na kung ikaw eh mahilig ka pang gumimik-gimik, palasing-lasing, maya maya you never know, but you may end up getting pregnant. O kaya makakabuntis ka. And guess what? That will change your life!

Imagine if 18 ka pa lang, 20 ka palang may baby ka na? Your life will never be the same. Kung ano yung mga potentials mo, ano yung mga gusto mong gawin sa buhay mo, yung mga pangarap mo, it will be limited because you already have a baby.

Yung pangatlo namang aspect, pangatlong consequence kung hindi mo iingatan yung heart mo, Poverty!

Lalong-lalo na kung kabataan ka pa, nag-asawa ka na. O kaya kabataan ka pa eh you are sexually active. Ang tendency niyan is for you to have a lot of babies. Minsan ano, yung mga maagang nag-asawa dahil nga yung sex drive eh mataas pa rin ano? at yung energy eh mataas pa rin, ang nangyayari nagkakaroon sila ng maraming anak. Imagine na 20 years old, meron ka nang isang anak, and in the course of four years, nagkaroon ka ng tatlong anak. and in five years, apat na anak. And imagine in 10 years, meron kang walong anak?

Oh my! Oh no!

100 Million na tayo sa buong Pilipinas, please naman mga kabataan, mga dudes, mga dudettes, huwag na nating masyadong dagdagan.

Well, actually kung kaya nyo namang buhayin ang mga magiging anak ninyo, you can have as many children as you want. Provided na yung emotional, yung physical needs eh napo-provide ninyo.

Naalala ko tuloy yung isang teacher ko nung high school, si Mrs. Santiago. Eto yung madalas niyang sabihin sa amin ano? Pa-graduate kami ng high school noon. Ito ang sabi niya: “Pagkatapos ng High School, mag-aasawa na kayo? Anong ipapakain ninyo sa mga asawa ninyo? Yang mga tut-tut ninyo?”

I know it’s funny and medyo vulgar ano. But there’s some truth to that. Kung feeling ninyo na ang pag-aasawa, pagkakaroon ng pamilya eh it’s all about love, magka-holding hands kayo maghapon, magtititigan kayo maghapon… Let me tell you the bad news, it doesn’t work that way! Kelangan talagang paghandaan ang pag-aasawa at pagkakaroon ng anak. And it starts with love of course, but as you grow older, you become more mature, and you realize na ang dami palang dapat ihanda bago ka mag-asawa.

Pang-apat. Kung hindi mo iingatan ang heart mo, there’s a Prize to pay. Yung emotional distress na lang ano, nabanggit natin kanina. If hindi ka marunong mag-alaga ng heart mo, yung stress, yung kung parati kayong nag-aaway. Yung kapag nag-break kayo, you can be depressed. Lalong-lalo na sa mga guys no, minsan hindi tayo nagpapakita ng ating emotional side. But you know, pansinin ninyo yung mga nababasted. Pansinin ninyo yung mga nakikipagbreakup. Siempre, kelangan astig pa rin yung dating eh no. Yung tipong “I don’t care, sige break kung break…” Pero pagdating sa mga barkada, tapos sabihin na nating nagkaharap harap ano… Minsan, may iniinom. I’m not saying that you should do that, okay? Pero it happens.

Makikita mo dun mga lalaki, umiiyak. mga lalaki na naghihinga ng sama ng loob sa mga kapwa, barkada, kaibigan… because it is difficult na mapaglaruan ang puso.

Song: “Till They Take My Heart Away” by MYMP

Iyan ang isa sa mga lovesongs na maganda pakinggan. Pero, eto, eto ah… advice ng isang kuya sa inyo. Huwag nyo namang antayin na they will take your heart away. Kasi, if they take your heart away, eh ano na lang maiiwan diyan sa gitna ng dibdib mo di ba? And here’s what you should do. Take care of it. Guard it well. Here’s how. Kelangan naman natin ngayon ng tips no, kung paano mo alagaan ang heart mo.

Eto naman… we’re talking about the heart: as in your emotions, yung the way you love and yung pagmamahal mo. Eto nga, eto yung mga pointers natin.

Una, Parents. Parang it’s ironic no. Kasi minsan ang tingin natin sa mga parents natin. Parang mga pulis. Parang tipong meron ka lang magawang mali, parang may pipito na eh no? Na sasabihing “you’re under arrest.” Actually hindi naman. Ahh.. Your parents want the best for you. Minsan nga lang, feeling natin hindi natin nararamdaman no. But at the deepest part of your parents’ hearts, gusto nila yung the best for you. Be accountable to them. Darating yung time na you will become independent at magiging bahala ka sa buhay mo. Yung mga decisions mo at kung anong gagawin mo. But for now, you need to be accountable to your parents.

Pangalawa, Plans and Dreams. Para sa isang taong may plano, napakadaling mag-set ng priorities kasi if you know what you want, what you really, really want, hindi ka madaling matumba. Hindi ka madaling ma-side track. Kasi, meron kang gustong ma-achieve. Meron kang gustong gawin diyan sa buhay mo. Kung meron kang goals, madaling i-tune out yung distractions. O, pangarap ba ninyong magkaroon ng maraming anak? A poor life? O kaya gusto nyong maging “isang kahig, isang tuka” ang buhay nyo? Malamang hindi, di ba?

Here’s our next P on how to take care of your heart: Prepare for the future. Mag-aral kayong mabuti mga tropa. Parang minsan, I know medyo boring ang pag-aaral, lalong lalo na kung hindi ninyo gets, hindi ninyo trips yung subject. O kaya hindi ninyo trips yung Professor kasi mataray tapos feeling nyo, hindi siya nakakatawa. But, study well kasi for most of us, kung hindi ka si Bill Gates, o kaya hindi ikaw si Steve Jobs, kelangan nating tapusin ang pag-aaral natin, para we have a ticket to become a productive member of our society. Di Ba?

Kasi kelangan mong magtrabaho eh, kelangan mong mag-train now! At kahit na kabataan ka, punung-puno ka pa ng energy, kelangan paghandaan ang future!

And let your relationships be your inspiration, not your desperation. But, you should empower each other. Dapat nagtutulungan kayo ma-improve yung inyong mga grades. At matuto kayo sa mga subjects at sa buhay.

And lastly, ito yung ating last P, ano? there is a Prize to win!

At para makuha mo yung prize, you neeed to persevere. Kelangan mong magpursige. If you plant and prepare now, kahit mahirap, you will reap the results soon enough. Alam nyo minsan, may mga kabataan na uupo lang sa class, makikinig lang, pero tapos pagdating ng exams sila pa rin yung highest. Samantalang minsan ikaw, aral ka nang aral, nagpupuyat ka magdamag tapos maghapon ka pa nag-aaral, pero pagdating ng quiz, parang wala ka pa ring masagot, di ba?

Alam nyo, that happens! Pero hindi dapat iyan maging obstacle sa inyo para mag-aral nang mabuti. At sabi nga ni Ramon Bautista, eto teacher din to sa UP. Sabi niya “Books before bebots”! Okay lang maging nerd mga dude, o walang syota ngayon. Basta make sure that you prepare for the future, and the future will be bright.

Siguro we’re not too young to be in love, no? But, you are too young to be involved in a serious relationship. At anong ibig kong sabihin diyan: you may be too young to establish your own family. Kaya kelangan mong i-guard yang heart mo tropa. Kasi mong hindi mo iga-guard, hindi mo iingatan yang heart mo, eto yung isa-suffer mo, like what we’ve talked about earlier. Una, pain and frustration. Pangalawa, you might experience pregnancy na wala sa oras. And as a result, you will live a life of poverty. And there is a Price to pay.

But if you really want to guard your heart, eto yung mga dapat mong gawin. Una, parents: be accountable to them. Pangalawa, your Plans and Dreams. Ano ang mga gusto mong mangyari sa buhay mo? And if you have your plans and dreams, you have to Prepare for the future. And of course, if you persevere, there is a Prize to win.

At ayan na nga! Natapos na naman ang isang episode ng ating programang Generation Y Chronicles. And, I’m hoping na meron kayong napupulot dito ano. And I would really love to hear from you. Kung meron kayong mga reactions, yeah violent reactions, inaaccept ko yan, don’t worry. If you have questions, or may gusto kayong irefer, meron kayong pinoproblema tungkol sa buhay kabataan, you can like our Facebook page, at pwede kayong mag-interact doon. Just go to facebook.com/pinoyyouth. Kung nasa Twitter ka naman, gamitin ang hashtag na #Pinoyyouth. Pwede ka ring magtext sakin: 09266889902.

So mga tropa, mga dude, I’ll be waiting for your thoughts, your questions and your reactions online. Ito si Kuya Mighty para sa Generation Y Chronicles. Dahil ang buhay kabataan, minsan madrama, minsan comedy, minsan hindi mo lang talaga mintindihan. Kaya pag-usapan katropa, hanggang sa muli nating pagkikita.

Ang programang ito ay hatid sa inyo ng Young Peoples’ Ministries ng United Methodist Church at ng himpilang ito.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*