#003 – Common Lovelife Mistakes ng mga Kabataan with Bestselling Lovestruck Author Ronald Molmisa

We have a special guest in this episode, bestselling author of Pass or Fail, Lovestruck, and Lovestruck Singles Edition: Kuya Ronald Molmisa. And in this episode, we tackle the question for the week:

Ano ang mga common lovelife mistakes ng mga kabataan?

Here’s some of the highlights of the interview:

Common lovelife mistakes of young people include:

  • Being assuming or feelingero/feelingera.
  • Neglecting accountability to parents.
  • Confusing love with sex.
  • At ang sabi ni Kuya Ronald, to guard your heart, you need to look up to God and be mindful of your responsibilities, plans and dreams.

episode3

Right click here to download the episode.

Music played in this episode:

  • Pangarap Lang Kita by Parokya ni Edgar (feat. Happy Sy)

And here’s the transcript:

Mabilis daw mainlove ang mga kabataan ngayon, mapusok at padalos-dalos. Ano ang mga common mistakes ng mga kabataan pagdating sa love?

Good evening mga katropa, nagkasama-sama tayong muli. Naimbag a rabii kadakayo amin. Welcome sa isa na namang episode ng Generation Y Chronicles, ako si Kuya Mighty at magkakasama na naman tayo sa isang episode ng kwentuhan tungkol sa buhay kabataan dito sa Generation Y Chronicles.

Kamusta naman ang mga Valentines ninyo. Sa mga katropa nating guys, yung mga katropa nating boys dyan, did you give roses and chocolates? Eh yung mga katropa nating girls, mga “girly”, may mga nareceive ba kayong flowers, red roses ba yan, white roses or blue? Eh chocolates meron ba kayong nareceive? Nakareceive ba kayo ng sosyal na toblerone o kaya ung mamahaling cadbury? Oh baka naman nagtitipid ung nagbigay sa inyo at cloud 9 lang ang binigay o kaya choknut. Sabagay depende naman yan sa nagmamahal at dun sa minamahal. Sometimes it’s the thought that counts.

Since katatapos pa lang ng Valentines and I’m sure punong-puno pa rin kayo ng love at punong-puno pa rin kayo ng hangover dun sa nakaraang Valentine’s, paguusapan pa rin natin ang tungkol sa lovelife ngayon kung napakinggan ninyo ang first episode natin before ang sabi ko pupunuin natin ng love ang airwaves at yan nga ang ginagawa natin di ba? For this episode we have a very special guest, ipapakilala ko siya mamaya. Pinuntahan ko siya dun sa office nila at nakapagkwentuhan kami tungkol sa buhay lovelife ng mga kabataan.

AT nung mga nakaraang episoee natin pinagusapan natin ang mga kabataang Pinoy at ang mga pagbabagong nagaganap. And we concluded that, yes, young people are different now. They have shorter attention span and they are more liberal these days. Pero we also saw na hindi rin naman pala nagbabago ang mga kabataan. Ang mga kabataan ay kabataan pa rin. Nagbabago ang mundo pero hindi naman nagbabago ang needs natin bilang kabataan.We can expect na kung ano ung mga pinagdaanan ng mga parents natin nung mga kabataan sila, medio iba pero the basic needs remain the same.

If you missed our last episodes, wag kang mag-alala mga katropa, punthan mo lang ang ating website sa pinoyyouth.org/generationy. Pwede mong idownload ang mga past episodes natin. If you have an mp3 player, meron kang iphone, ipod or ipad, pwedeng pwede ninyong idownload ang ating mga past episodes at pwedeng-pwede ninyong pakinggan at the comfort of your homes or your computer or kahit nasa jeep ka or nasa bus ka. Wag ka lang tatawa mag-isa baka pagtingnan ka ng mga kasama mo sa jeep o sa bus.

Wag mo na ring kalimutang ilike ang ating facebook page mga katropa, just go to facebook.com/pinoyyouth, and kung nasa twitter ka naman, gamitin mo lang ang hash tag na #pinoyyouth. AT kung gusto mo namangmagtext sa akin at kung gusto mo talagang makareceive ng reply or if you have any questions related to our program or kung meron ka lang tanong bilang isang kabataan, pwedeng pwede mo akong itext, 09266889902.

Ito ang ating question of the week, ano ang mga common mistakes ng mga kabataan pagdating sa love?

‘Yang ang kantang “Pangarap lang Kita” by Parokya ni Edgar. Ang cute ng song no? Nakakakilig! Oh, lalaki na ang nagsasabi nian. Buti na lang ung pangarap ko kasama ko na, misis ko na siya. Yun oh! At para sagutin ang ating question of the week we have a very special guest today. Isa siyang professor ng Political Science sa Universtity of the Philippines sa Diliman, Quezon City. But on top of that nakapagsulat na din siya ng dalawang libro, and take note, parehong bestseller ang mga books na ‘to. Ang title ay “Love Struck” at “Love Struck: Singles Edition”, published by OMF Literature. Isa rin po siyang pastor at executive officer ng National Youth Commission ng Philippine Council of Evangelical Churches. Siya si Professor Ronald Molmisa. Pinuntahan ko siya last week sa kanyang opisina upang makipakwentuhan. AT ito pakinggan ninyo, makipaginteract kayo sa kwentuhan natin with Kuya Ronald Molmisa.

Mighty: Magandang gabi sa iyo Kuya Ronald.

Ronald: Magandang gabi naman.

Mighty: At dito nga sa ating program, sa Generation Y Chronicles, meron tayong special guest kasi siyempre February, ano bang mahalaga ngayon, Valentine’s. Ikaw Kuya Ronald, may ka-Valentine’s ka ba ngayon?

Ronald: Syempre, yung aking forever ka lovestruck, si ate Gigi. We see to it na kapag February 14 may date kami niyan. Hindi pwedeng walang date. Pero every week may date kami niyan, bahagi ng buhay ang pakikipagdate.

Mighty: So pas, kamusta naman ang pagiging lovestruck?

Ronald: Well, importante na nakakatulong tayo sa mga kabataan. I write books kasi gusto ko talagang makatulong sa mga basic issues ng mga estudyante, ng mga bata, ng mga kabataan in general kasi marami silang issue sa buhay at isa nga dun un pag-ibig. Kahit sino naman makakarelate pagdating sa usapang pag-ibig. About the pastor field, dahil nagtuturo ako, this is my way of helping the students to cope up the demands of their academic life. So far the books are selling well. Maganda ung response ng mga kabataan. To God be the glory.

Mighty: Kuya Ronald, since February ngayon at love ang ating pinaguusapan, matanong ko nga sa iyo bakit napaka big deal ng usaping love sa mga kabataan ngayon. Kagaya ng nabangggit ko nung nakaraan episode, kung tititngan mo ung facebook ng maraming kabataan, parang ang pinakamalaking problema ng mundo ngayon ay loveife.

Ronald: WEll sabi nga ng kasabihan, love makes the world go round kasi basic need ng tao ang intimacy. Importante na mayroon kang napagsasabihan ng problema. Hinda pweden nagiisa ka kasi nilikha tayo ng Diyos na relational. Palagay ko it’s a universal concern and need na umibig kasi masarap ung umiibig at lalong mas masarap siguro sa ibang tao ung iniibig lang kasi naa-affirm ung existence mo. Parang feeling mo mahalaga ka sa iba. Bakit basic na nagiging problema ng kabataan ung love siguro dahil sa pagbabago na rin sa lipunan. Marami tayong dysfunctional families, may mga pamilyang nagiisa lang ang magulang, may pamilyang kahit kumpleto sila pero nagaaway-away, at minsan bunga na rin ng pressure sa barkada. Marami kasing napipilitang magkaboyfriend, magkagirlfriend kasi naiinggit sa barkada. Importante na malaman natin ung mga social factors, pero meron ding mga inherent na personal factors. Meron talagang mga kabataang insecure, feeling nila pangit sila kaya pumapasok sa relasyon para ma-affiirm ung kanilang identity. So maraming bagay yan, hindi ko pwedeng sabihin sa isang cause o dahilan lang ang dahilang kung bakit pumapasok sa relasyon ang isang bata kaya nagkakaissue sila.

Mighty: Siguro pas, kasama na rin ung napapanood nila, mga pelikula, telenovela, magkahawak kamay

Ronald: Yes absolutely, kasama un. Nabibigyan sila ng idea, masrap kaya magkaroon ng boyfriend, girlfriend. Lalo na exposed sa social media ang mga bata. Kahit sa facebook nakikita mo ung mga kaibigan mo mayroong kayakap. Parang may isang pag-aaral, ang social media daw minsan may negatbong epekto sa mga tao kasi nakukumpara mo ung sarili mo sa iba, kung gaaano kasuccessful ung iyong mga kaibigan, kung meron silang karelasyon, so parang lalong tumataas ung insecurity mo sa buhay.

Mighty: Oo nga noh, kaya minsan parang big deal ung relationship status mo sa facebook, merong in a relationship, merong it’s complicated.

Ronald: Hindi ko na nga maintindihan, ano bang ibig sabihin ng in an open relationship? Iyan din ang tinatanong ko, open so pwedeng i-close?

Mighty: Siguro pas, yan ung tinatawag na OPM, “on pag magkasama”.. Actually meron pang isa, ung MU naman daw, eto ung narining ko sa ilang mga kabataan natin, ung MU daw bukod sa pwedeng “mukhang unggoy”, pwede siyang “malalanding ugnayan”

Ronald: Malalandi noh, malalaswa…

MIghty: Since Kuya Ronald big deal ang usaping lovelife sa mga kabataan natin, parang ang bilis din na magkaroon ng mistakes ung mga kabataan natin kasi minsan di ba pag kabataan padalos-dalos, minsan gusto mo kung ano ung nararamdaman mo iyon na yong sobrang totoo sa iyo. Alam ko dahil sa ministry mo, dahil sa librong nasulat mo, maraming kabataan ung humihingi ng advice o nagkukuwento. Ano sa tingin mo kuya ung mga common mistakes ng kabataan.

Ronald: To give an idea, nung lumabas ung libro, naging maganda ung response ng kabataan sa mensahe kasi talagang marami silang issue noh. When it comes to mistakes, siguro isa sa pwede kong masabi, one of the common mistake should be yung paga-assume, that’s one, yung akala mo love mo na pero hindi pala, akala mo love ka niya pero naga-assume ka lang pala. Kaya pag mataas ung expectation mo sa iba, umaasa ka, you want to reciprocate the feeling. So kapag ganon ang nagyayari, umaasa ka at hindi nasusuklian doon nasasaktan. Kahit sa magkaibigan, minsan hndi nila naiintindihan na merong mga tao na friendly lang, congenial. So ang akala nila, ang ginagawa ng kanilang kaibigan parang pinapasaringan na sila, may pagtingin na sa kanila pero ano ang nangyayari, hanggang friends na lang pala talaga. That’s one, ung assuming attitude.

Mighty: Alam mo kuya, ang naririnig kong ano dyan pag humihirit, mga feelingero at feelingera.

Ronald: Kasi normal na maginterpret at mag-analisa tayo ng mga aksyon ng ibang tao pero katulad ng sinabi ko dun sa “LoveStruck: Single’s edition”, kelan mo masasabing may pagtingin sa iyo ang isang tao, kapag diretsa niyang sinabi sa yong mahal kita, may pagtingin ako sa iyo, gusto kitang ligawan. That’s the only time for sure na talagang may pagtingin sa iyo. Number 2 would be problema sa parents. Importante na maintidihan niyang mga kabataan na kapag kabataan ka under ka sa authority ng parents mo, kailangang makinig ka. Marami kasi ayaw nilang makinig sa parents nila kasi ang feeling nila walang pakialam dapat ang parents sa nararamdaman. Well may tamang panahon at tamang pagkakataon kung kelang hindi ka na maaaring diktahan sa damdamin. Lagi ko ngang sinasabi pagdating sa lovelife, kunyari magaasawa ka, bibhira naman manalo ang parents eh kasi ikaw ang mag-aasawa. Pero habang kabataan ka, ang aking panawagan sa mga young people, sumunod kayo sa parents ninyo, kasi sila ang tinalaga ng Diyos na magaalaga sa inyo at kailangan sumunod kayo kasi bahagi ito ng inyong responsibilidad bilang anak. Kasi kung gusto ninyo na wag na kayong pakialaman, aba sabi nga ng isang councilor, lumayas na kayo ng bahay ninyo. So wag na kayang magpasubmit, magpaunder sa authority ng parents ninyo.

Mighty: Oo nga kuya, kasi minsan pati pang date..

Ronald: Pati pang-date. Meron nga akong mga kabataan ang lakas makipag boyfriend, makipaggirlfriend, kaninon naman sila kukuha ng pangdate. Siguro ung pangatlo, you confuse love with having sex. Lagi ko ring sinasabi sa seminar ko, kapag lumalalim ang relasyon hindi maiiwasan na maglapit ang katawan, kasi ang pag-ibig hindi lang naman emosyon yan, tao tayo, hindi tayo nilikha ng Diyos na kaluluwa lang. Meron tayong katawan at kapag sumabay ang katawan, automatic kasi yan, kapag umibig ka hindi lang emosyon, maglalaan ka ng oras, at siyempre you show gestures of love. Minsan kailangn yakapin mo, halikan mo, kaya ang importante dito, hanggat maaari wag na kayong darating sa puntong maglapit ang katawan. Alam niyo na madarang, pag naginit ang plantsa, naku ayan na. May mga rules ako na gustong ibigay, ang importante na kapag kayo’y magkakaboyfriend, magkakagirlfriend, paikliin ninyo ang stage na kayo’y magboyfriend-maggirlfriend.

Mighty: Ibig sabihin kuya, ung relatively stable na, ung pwedeng masabi na kayang tumayo

Ronald: Marami kasing nabubuntis at nakakabuntis kasi ang gusto nila eh ung romantic element lang pero hindi sila handang sumuong dun mas malaking responsibilidad. Kaya ang payo ko, idelay niyo muna ang pakikipag date, kung hindi niyo pa kaya wag muna noh ang responsibilidad. Mahirap kasi may mangyari tapos hindi kayo handa, ang mahihirapan sino, ang mga magulang ninyo. Balik tayo dun sa una kong sinabi, you confuse love with sex, kasi marami ang mga babae nagiging biktima nito. Pag pinilit kayo ng inyong mga boyfriends o kasintahan na makipagsex, wala namang mangyayari kung ayaw ninyo. Pero I’m not saying nasa inyo ang ang responsibilidad. Yung mga lalaki kailangan ieducate din kasi minsan may double standard na nangyayari. Kapag babae, kapag minsan nagpapakita ng konting, sorry for this word, kaharutan, iba ang tingin. Pag lalaki, pagpapalit palit ng girlfriend macho. Pero baguhin natin yun. Then un sa first book ang sabi ko, ang virginity gift ninyo hindi dun sa lalaking papakasalan niyo o babaeng papakasalan niyo kundi sa inyong sarili. Kasi pag ang inyong pagtanaw ay hinhanda niyo ang virginity for the person na pakakasalan ninyo, ibig sabihin kawawa ka naman, pano kung ang napangasawa mo hindi na virgin. Well pag mahal mo siya hindi na issue un. Basically ang gusto kong sabihin, virginity is a gift not to everyone na makakarelasyon mo kundi sa sarili mo. Pangangalagaan mo ang sarili mo kasi iyon ang gusto ni Lord. Siguro sa pang-apat, ang basic na issue ng mga singles na nagpapacounsel sa akin, yung pagiging mainipin, ung mahirap nilang maghintay. Nahihrapan silang masabing single sila kasi maraming pressure, lalo na sa babae, parang may pressure na magkaboyfriend agad. Bakit? Kasi ang laging tanong sa kanila kelan ka magkakaboyfriend. Again ung social pressure, ang mangyayari nian mapipilitan ka minsan na pumasok sa relasyon. May mga kaso, eto nasabi ko din sa Singles Edition, may mga lalaki naggi-girlfriend lang kasi nasasabihang bading sila. Ang hirap na pumasok sa relasyon kasi gusto mo lang na masabing macho ka. When it comes to waiting lagi kong sinasabi lalo na sa mga babae, delight yourself in the Lord. Kasi pag focus kayo sa paglilingkod kay Lord pati sa paggawa ng tungkulin niyong bilang anak tumutulong kayo sa parents ninyo, at gusto ninyong iestablish ang sarili niyo, minsan hindi niyo na nga maiisip na magboyfriend. Am not saying na wag kayong pumasok sa relasyon kasi hindi lahat tinawag maging single. Basta ang sinasabi ko lang, wait upon the Lord, delight yourself in Him, and kahit hindi niyo gusto, kahit hindi na kayo maghanap katulad ng ginawa ng Panginoon kay Adam, there’s a reading in the Genesis account, binigay si Eba hindi hinanap ni Adan. Binigay ni Lord si Eba para sa kanya. It can happen to you.

Mighty: Since nga kuya Ronald, ang daming mga kabataan ang nakakaexperience nyan, siguro ano naman ung maipapayo mo para maingatan ng mga kabataan natin ang kanilang mga puso.

Ronald: Ang sabi sa bible ni prophet Jeremiah, the heart is deceitful, bunga yan ng ating sinful nature. We’re prone to commit mistakes. Importante na may magbantay. Sabi sa Proverbs, guard your heart with all diligence. And the renew your mind-Romans 12. Kasi di ba may kasabihan follow your heart, well dapat hindi mo laging sinusunod ang puso mo, may ibang bagay na ginagawa mo yun. Pero pagdating sa love, mas mahalaga na lead your heart. Lead your heart with a renewed mind, pero wag naman ung sobrang utak. Kasi pag sobrang utak naman, masakit naman tingnan at pangit kasi parang hindi ka na makaramdam, makaidentify. So nakakaramdam ka ng pag-ibig using your heart pero hindi lahat ng tinitibok ng puso tama. So kailangan you will be guided with the Word of God and at the same time ayusin mo ung buhay mo. Mga practical tips noh, so number 1 focus on your dreams at iba pang plano sa buhay. Kasi importante na may plano ka sa buhay. Ang madalas, ung nagpapacounsel sa akin bakit sila nagkakaproblema lalo na ung nabubuntis ng maaga, wala silang pangarap, hindi sila nangangarapa. And they are not proactive in pursuing their dreams. Kapag sinabi ko na proactive, un talagan you have a firm resolve na nagdedesisyon ako, tutuparin ko to and I will not do something na makakasira ng plano ko. Tuparin ninyo ang pangarap ninyo. And then, siguro first and foremost, lagi kong sinasabi, if you are a christian kailangan ang first love ninyo si Lord. Immerse yourself in the study of the Word of God, get involved in church activities kasi isa yan sa mga preventive factors para hindi kayo magkaroon ng problema sa aspeto ng buhay ninyo, iyan nga ang love. Malaking tulong ang friendship sa church pati ung mga mabubuting kaibigan at natutunan niyo ding maglingkod sa Panginoon. You use the prime years of your life serving the Lord para hindi masaktan. Pangatlo siguro ung makinig, counselling. Pag sinabihan kayo ng magulang ninyo na anak wag na muna, wag na munang magpipilit. Kahit ung mga pastor, may mga pastor kayo na nagsasabi na wag muna, makinig kayo sa matatanda, isa yan sa gusto kong sabihin sa mga bata. Kasi pag bata ka sugod ka ng sugod kasi marami kang hindi pa alam, adventurous sa buhay. At mas gusto nga daw nila minsan nakakausap ko, okay lang siguro kuya masaktan para matuto. Pero nasa inyo yan, choice nio yan kung gusto ninyong matuto na kailangan nio pang masaktan. Pero ang posisyon ni Kuya Ronald, hindi nio kailangang masaktan para matuto, matuto kayo sa kamalian ng iba. Marami na kasing nagnggaling dyan. Kumbaga parang sa kasaysayan, uulitin natin ang kasaysayan pag hindi na tayo natuto so babalikan niyo lang ang kasaysayan ng mga natuto na. So that will be my 3 major tip para maiwasan natin ang mga heartaches.

MIghty: Pero malaking bagay yun kuya ROnald lalong-lalo na ung pagtupad sa pangarap kasi ung iba masyadong clouded ang thinking pagdating sa relationships nakalimutan na dapat nagtatapos pala sila sa kolehiyo.

Ronald: May season kasi ang buhay. Everything may panahon. Pagjumble-jumble mo, you mixed up ung sequence ng buhay mo, mahihirapan ka. Kunyari nabuntis ka ng maaga, so maaaring makapag-aral ka pa pero mahirap nang mag-aral pag may inaalagaan kang bata. Yung iba nga naghohome study na lang. Eto yung problema pa, I would like to mention this, totoo na ang mga bata seryoso kung umibig, maraming seryoso, pero ang tanong ito, panahon na ba para magseryoso sa bagay na yan. Ayun ang problema natin, ang pagseseryoso sa bagay na yan, maaaring hindi pa season, so idedelay muna natin yan, marami tayong kailangan unahin.

Mighty: Mga katropa, ung mga binabanggit ni Kuya Ronald, I think naexplain niya yan ng mas malalim dun sa kanyang aklat na “LoveStruck” part 1 at ung kanyang part 2 na LovesStruck ay para naman sa mga singles. AT kung gusto ninyong kumuha ng kopya, Kuya Ronald san ba pwedeng makabili dyan?

Ronald: Ang libro na LoveStruck ay published ng OMF Literature pero dini-distribute ng Philippine Christian Bookstore. Available din siya sa mga major bookstore kasi may connection ang OMF sa mga major bookstore, sa National Bookstore, Powerbooks..

Mighty: So ung mga tagapakinig natin dyan na nasa banda ng Isabela, Region II, dyan sa banda ng Cauayan, Santiago, Tuguegarao, may PCBS dyan. Sigurado ako. Dyan naman sa Baguio, punta lang kayo siguro sa mall, sa National Bookstore. At kung hindi kayo makahanap, i-message nio lang kami sa facebook, gagawan natin ng paraan yan. Kuya Ronald, maraming salamat sa mga tips, sa mga advice. Anong pinagkakaabalahan mong susunod ngayon?

Ronald: Pray for the next LoveStruck if ever. Am still waiting for God’s reading kasi may isang topic pa akong gustong idiscuss sa series ng Lovestruck pero hindi ko pa sasabihin ngayon. Pero sa ngayon ang pinagkakaabalahan ko, well am in academic so marami akong research paper na kailangang tapusin. I also teach and I also have my ministry. I also have my “misistry”, importante na kasama si misis sa ating buhay. Pero maganda ang buhay. God has been sustaining me and my ministry and my academic work. His grace is enough. I hope na patuloy kayong mainlove, malovestruck kay Lord sa lahat ng bahagi ng buhay niyo.

Mighty: At kung merong gustong makakontak sa iyo kuya Ronald, san ang the best na contact point mo?

Ronald: Ang email ko, you can email me at rcmolmisa@gmail.com, pero mas gusto kong mainvite kayo dun sa community ng LoveStruck, just type, all caps LOVESTRUCK then you can find the group, join the group, mga approximately mga 4thousand na ung mga miyembro. Active ako dun kasi i answer the queries ng mga miyembro, I pose some suggestions, comments, and them marami ding nagpopost dun. Maganda ung group, lahat ng concerns ninyo maaaring wala kayong mahanap na sagot, may mga sasagot non bllang kaibigan.

Mighty: Pasalamatan natin si Kuya Ronald Molmisa, ang author ng Lovestruck at hopefully in the future ay mainvite ulit natin siya at makasama at makakuwentuhan dito sa Generation Y Chronicles. Kuya Ronald maraming salamat.

At ayun noh, maraming-maraming salamat kay Kuya Ronald Molmisa sa isang napakainteresting na kwentuhan. Ang dami palang mga common mistakes nohl Kaya kayo mga girls and boys, wag kayong assuming. Wag feelingero at feelingera.

Gusto ba niyong magkaroon ng kopya ng Lovestruck, ung part 1 ito ha by Kuya Ronald, pwes may pacontest tayo ngayong week na ito. Ganito lang ang gagawin ninyo, sagutin lang ang ating question for next week, “Bilang isang kabataan, how can you take care of your heart.?” AT siyempre may prize for this contest. Magpapamigay tayo ng 5 copies ng Lovestruck book courtesy of OMF Literatures. So pasalamatan natin si Ms. Ida Torres, siya ang kausap ko para makakuha tayo ng libreng LoveStruck books by Kuya Ronald Molmisa. Kung gusto ninyong sumali sa contest na ito, punta lang kayo sa ating facebook page, facebook.com/pinoyyouth at ipost ang sagot ninyo. Pwede rin naman sa twitter, gamitin lang ang hash tag na #pinoyyouth. Okay? By next week mamimili tayo ng 5 the best answer at sila makakakuha ng libreng copy ng lovestruck.

At kung may question ka at mayron kang suggestion, o kaya anything, gusto mong magpacounsel or meron kang ihihingi ng advice, pwede kang magtext sa 09266889902.

At un na nga, marami tayong maging mistakes bilang mga kabataan. So atleast alam na natin ano ung mga dapat nating iwasan. At hanggang sa muli mga tropa, ito si Kuya Mighty para sa Generation Y Chronicles. Dahil ang buhay kabataan, minsan madrama, minsan comedy, minsan hindi mo lang talaga maintindihan. Kaya pag-usapan natin mga katropa hanggang sa Muli nating pagkikita.

Ang programang ito ay hatid sa inyo ng Young People’s Ministries ng United Methodist Church at ng himplilang ito.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*